On and off...

meaning mawawala at babalik kahit hindi mo ginagamot? Or Pagkatapos gamutin mawawala then babalik uli?
If on and off then nawawala kahit hindi ginagamot chances are enviromental factors ito, meaning weather, kapag malamig ang panahon magtatae then kapag uminit okay na uli sila. So, always sure n maintain ang temperature ng kulungan. Pag masyadong malamig, pwedeng lagyan ng trapal ang kulungan para matrap ang init sa loob and also put beddings.
If on and off kahit naggagamot then try to extend yun time ng pagbibigay ng antibiotic. Usually kasi paggumaling na ang baboy tumitigil na tayo sa pagbibigay ng gamot. Mas maganda sana kung iextent mo pa ito ng 1-2 days para kung meron mang natitirang bacteria sa katawan ng baboy ito ay mawawala na talaga.
Check also feeds, water , and pakainan nila make sure na lagi itong malinis.