wow! bilis naman, paturo naman teknik mo kuyang. i do it alone kasi
Dapat meron kang kasama taga-hawak sa biik (nakatihaya).
Sa pagkakapon isang hiwa lang ang ginagawa, tska pisilin ang balls para lumabas,
ganun din ang gagawin sa ikalawang balls.. at lalagyan ng iodine
at iinjectionan ng antibiotic, malapit sa pinag hiwa na sugat..
Pagkatapos kapunin, (nakatihaya pa ang biik) unahin muna pagnunumero sa biik, tska putol ang buntot.
Ginagawa namin yun sabaysabay para iwas stress ang biik the more hahawakan ang biik mas lalo sila na-sstress..
Ginagawa namin un sa edad 15-20 days old.. Karaniwan ang pagkakapon ginagawa nila ng 10-14 days old
Safe pa din mag kapon sa ganung edad, kasi ligtas ang biik dahil umaasa pa sila sa gatas ng inahin, na parang bang
merong healing process ang gatas ng inahin, at madali gumaling ang sugat ng mga biik.
Mas mainam kung magkakapon ka sa malalaking baboy meron kang sutures, para tahiin ang hiwa. at bigyan ng antibiotic.