pinoyagribusiness.com
Hello Guest

Breeding 101

  • 73 Replies
  • 42275 Views

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

*

nemo

Re: Breeding 101
« Reply #45 on: March 13, 2011, 08:26:49 PM »
Mixed po kasi ang narereceive ko na comment about camborough meron nagsasabi pangit meron nagsasabi maganda.

one tip i received from a multiplier kaya daw minsan pangit ang comment about camborough possible na ang pinagkunan is from a tunnel vent facility kaya nun nilipat sa ordinary system/ conventional housing hindi nagperform ng maganda.

So kung bibili ka ask ka kung saan maggagaling yun baboy, mas malapit the better and kung ano ang system nila dun. Stay away ka sa mga gumagamit ng tunnel vent.

Re: Breeding 101
« Reply #46 on: March 13, 2011, 10:47:39 PM »
salamat po ng marami

Re: Breeding 101
« Reply #47 on: May 28, 2011, 03:07:27 PM »
i see now. mahirap kase ung design ng piggery ko coz of the location. maburol sya kaya ung ibang crate na lilipatan ay nasa itaas na parte kumbaga first floor and second floor, wala naman syang hagdanan kundi slant na daanan lamang. takot ang baboy pababa so kind of need to apply force to it.siguro ilipat lahat ng crate sa the same elevation na lang.

Kuyang, how about using yun kulungan pag nagtitimbang, tapos buhatin na lang....

Re: Breeding 101
« Reply #48 on: June 07, 2012, 04:40:06 PM »
Doc Nemo totoo bang ang PIC breed na sow nila Camborough (sows) 22, 24 at 36  /  Maging ang PIC Sircs (boars) 337, 399, 380 at 422
Eh mga crossbreeds. may nagsasabi 3way crossess daw breeds ng PIC totoo po kaya yun doc?

*

nemo

Re: Breeding 101
« Reply #49 on: June 07, 2012, 09:29:11 PM »
Greetings!
 
di ko po sure kung ito ay crossbreed or 3way cross...

kung sakali po na ito ay 3-way cross, ano po ba ang concern nila?

Ang aking assumption ang inyong concern ay kung ito ay 3 way cross hindi ito magiging magandang inahin kasi sabi sa book ang 3way cross ay pang fattener/pangbenta na baboy? tama po ba?

kung ito po ang concern nila gusto ko lang po sabihin na sa current technology natin hindi na po masyadong applicable ito. Whether crossbred or 3-way siya as long as nakapasa/humigit pa siya sa standard na ginawa ng breeding farm or industry then good ito as ibenta na breeder.

*

up_n_und3r

  • ****
  • 307
  • The more the merrier
    • View Profile
Re: Breeding 101
« Reply #50 on: September 05, 2012, 11:59:10 PM »
Doc,

Share ko lng ung latest experience ko. Nanganak inahin ko yesterday 2 buhay, 1 patay na nung lumabas. Nagtataka kami sa konti lng na ipinanganak. Ano ba mga causes nito?

Ung boar nmn namin, mga 9 months na nung pinakastahan, ung unang inahin na kinastahan nya nanganak last month 11 anak e. Ung suspect ko lng po is dahil bata pa ung boar and may chance tlga na mababa semen count. Di po ata rin nadoble pagkakasta nila para mas dumami sana. Pero tama po ba, un lng ung cause or may factor rin ung sa inahin? Pansin lng kc namin na maliit lng ung tyan nya tlga compared dun sa kapatid nyang nanganak ng 11 last month. Alam ko rin po napurga rin sila before mapakastahan.

Ano po mga tips natin para maensure po na mataas chances ng littersize? May mga vit ba na kelangan iinject both sa inahin and boar? I know pwede ung ADE sa inahin, pwede rin po ito sa board pamparami ng semen count? Thanks.
Big things come from small beginnings.

Re: Breeding 101
« Reply #51 on: September 06, 2012, 12:34:14 PM »
@up
 just sharing my ideas...
Alam mo maraming factors kung bakit 3 littersize lang sow mo tapos nmatayan pa ng 1.  One, is yung pinanggalingan nya na parents most likely baka nakuha nya hinde magandang genes, o kaya hindi pa tlaga sya in super heat nung pina-mate sha with boar and sa amin kc, 1 lang kinukuha namin sa siblings para gawing sow,  we'll pick one which passed the criterias to be a sow.

Maganda yun na binibigyan mo ng vitamin A,D,E yung sow before mating but I suggest pati yung boar bigyan mo ng 10mL.  1st parity pa lang ba yung nanganak ng 3 littersize?  Pwede mo pa naman sha bigyan ng chance for her 2nd parity..kasi alm mo yung dating sow namin..1 lang naging anak pero super laki, buti na lang normal delivery sya pero unfortunately, namatay yung piglet...tapos on her 2nd parity, 10 na yung mga naging piglets nya and until now marami pa rin sha mag anak.  :D
Failing to plan is planning to fail.

*

nemo

Re: Breeding 101
« Reply #52 on: September 06, 2012, 07:55:56 PM »
if ang inahin less 5-6 ang inanak possible n nakaroon ka ng problem sa first trimester ng pagbubuntis ng kanilang alaga.

it takes more than 5-6 fertilized egg kasi para magcontinue ang pregnancy. so in theory more than the said number ang nafertilized sa inyong inahin, pero namatay ang iba possible sa sakit, stress, etc... pagnamatay ito ang tendency irereabsorp siya ng katawan ng inahin/tutunawin.

kapag kasi bulok ang inanak more often 2nd trimester nagkaproblem.

kapag buo pero patay ang inanak late trimester nagkaproblem.

*

up_n_und3r

  • ****
  • 307
  • The more the merrier
    • View Profile
Re: Breeding 101
« Reply #53 on: September 06, 2012, 10:22:42 PM »
Thanks Tinker and Doc.

Bk nga early ung mating and hindi pinasegundahan. Cge, bigyan ko pa rin ng second chance kc maganda ung lahi nya. Bk rin po kc ung boar 2nd time p lng nyang magkasta and bk mababa rin ung semilya nya by that time. Fault lng namin na di naulit ung pagkasta after 8 hours.

Big things come from small beginnings.

*

up_n_und3r

  • ****
  • 307
  • The more the merrier
    • View Profile
Re: Breeding 101
« Reply #54 on: October 14, 2012, 10:32:19 PM »
Baka kulang pa kmi sa breeding management. Recently kc nanganak ung isa uli naming inahin, 4 ng anak waa namang fetus. Then just 2 days ago, 7 nmn ung isa wala rin fetus. All piglets have the same body size based from our naked eyes, di namin kc sila natitimbang. I think ung main concern ko lng kc is parang konti ung nabubuo sa loob.

As you said po, maraming factors ito both for inahin and boar. Right now, cguro mag-iimprove na ung efficiency ng pagkakasta kc ung bago kong tao is may experience na and pinapatutukan ko nga ung breeding management namin ngaun. May naglulugon na rin kming inahin, she's 2 months na rin since her last parity, eto ung worse kc lahat ng nilabas nyang biik, mummified 14 + my isang malaki na namatay rin kc overdue na xa ng mga 20days.

I would think na mukang matagal nga itong healing process sa inahin ko na ito lalo na silent heater pa ito. Papalitan ko ng feeds ng mas maganda for 1 week or until makitaan ng improvement at kung pwede ng kastahan.

For the boar po namin, although cguro timing issues rin nung nagkasta kc may 11 namang biik yan sa unang inahin, i will also inject ade with selenium po para gumanda rin ung quality ng semen and di ko na hahaluan ng rice bran ung feeds nila.

Any other thoughts po?
Big things come from small beginnings.

*

nemo

Re: Breeding 101
« Reply #55 on: October 15, 2012, 07:22:12 PM »
kung madami kayo mummified dapat maganda vaccination nyo ng parvo virus.

Re: Breeding 101
« Reply #56 on: October 31, 2012, 11:40:33 PM »
Hi doc!
 Tanong ko Lang po Kung maganda ang breed na dalan. Pwede po makahingi ng feedback regarding this breed? Breeder at slaughter po. Thnx

*

nemo

Re: Breeding 101
« Reply #57 on: November 01, 2012, 08:17:21 PM »
if yun sinasabi nila na breed is dalland, yes maganda naman po ang breed na dalland.
 hindi ko na masyado matandaan pero parang ang isang comment ng isang raiser na narinig ko sa dalland na piglet nila is that pag bagong panganak tikwas ang mga balahibo para daw may sakit...

pero hindi naman ito sakit ganun lang itsura nila sa umpisa.

Re: Breeding 101
« Reply #58 on: November 01, 2012, 11:47:15 PM »
if yun sinasabi nila na breed is dalland, yes maganda naman po ang breed na dalland.
 hindi ko na masyado matandaan pero parang ang isang comment ng isang raiser na narinig ko sa dalland na piglet nila is that pag bagong panganak tikwas ang mga balahibo para daw may sakit...

pero hindi naman ito sakit ganun lang itsura nila sa umpisa.

Maraming salamat po sa feedback doc.

Re: Breeding 101
« Reply #59 on: November 16, 2012, 06:50:50 PM »
Ang dalland breed po pag ginawang fattener ay maganda po pero sa mga taga palengke ay ayaw, mataas ang percentage ng buto kaysa laman unlike sa mga duroc breed na mataas ang percentage ng laman kaysa buto

 


Privacy Policy