Good day to you Doc!
Ask ko lang po kung anong mas maganda, Swine or Poultry? Backyard lang po ako.
As of now po kasi Contract Grower ako pero sa isang person not company. As of now meron po kaming 39 fattenings, 16 is ready to sell itong darating na katapusan at 23 na piglets. Last October katapusan nagbenta na rin po kami ng 13 fattenings and that's our first time. Okay po ang kinalabasan, positive po. Bale ang usapan po ay tanggalin ang puhunan like presyo nung biik, feeds, at vitamins and meds. Tapos hati po kami sa kita (50/50).
Gusto ko po sanang mag-umpisa ng 45days chicken or broiler pero hindi under contract, sarili ko po. Ang kinakatakot ko po kasi baka malugi ako. Sabi ng iba dressed na lang daw po kasi P120/kilo at hindi daw ako malulugi dun. Kaya lang po hirap maghanap ng magde-dressed at marunong mag-dressed. Ano po suggestion niyo doc?
At isa pa po, nagbabalak din po na mag-contract ulit sakin yung client ng quill, mga 1000 quills daw po, itutuloy ko po ba?
Sa feeds po namin ako po ang may contact sa feeds, ako po ang oorder at consignment. Bali ibibigay ko lang po copy ng resibo sa kanya at ibibigay niya bayad at ako po magbabayad.
Hingi na rin po ako ng payo kung lugi ako or not kasi puhunan niya lahat pero work ko po lahat, plus may inuupahan pa po akong kasamang nagpapakain, 2K/month po sweldo niya.
Thanks in advance doc and more power and Blessings to you!
