pinoyagribusiness.com
Hello Guest

Swine Raising vs. Poultry Rasing

  • 6 Replies
  • 2504 Views

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

*

Hoggy

  • *
  • 31
    • View Profile
Swine Raising vs. Poultry Rasing
« on: November 06, 2013, 06:02:20 PM »
Good day to you Doc!
Ask ko lang po kung anong mas maganda, Swine or Poultry? Backyard lang po ako.
As of now po kasi Contract Grower ako pero sa isang person not company. As of now meron po kaming 39 fattenings, 16 is ready to  sell itong darating na katapusan at 23 na piglets. Last October katapusan nagbenta na rin po kami ng 13 fattenings and that's our first time. Okay po ang kinalabasan, positive po. Bale ang usapan po ay tanggalin ang puhunan like presyo nung biik, feeds, at vitamins and meds. Tapos hati po kami sa kita (50/50).
Gusto ko po sanang mag-umpisa ng 45days chicken or broiler pero hindi under contract, sarili ko po. Ang kinakatakot ko po kasi baka malugi ako. Sabi ng iba dressed na lang daw po kasi P120/kilo at hindi daw ako malulugi dun. Kaya lang po hirap maghanap ng magde-dressed at marunong mag-dressed. Ano po suggestion niyo doc?
At isa pa po, nagbabalak din po na mag-contract ulit sakin yung client ng quill, mga 1000 quills daw po, itutuloy ko po ba?
Sa feeds po namin ako po ang may contact sa feeds, ako po ang oorder at consignment. Bali ibibigay ko lang po copy ng resibo sa kanya at ibibigay niya bayad at ako po magbabayad.
Hingi na rin po ako ng payo kung lugi ako or not kasi puhunan niya lahat pero work ko po lahat, plus may inuupahan pa po akong kasamang nagpapakain, 2K/month po sweldo niya.

Thanks in advance doc and more power and Blessings to you!  :)
Ang malaking bagay ay nagmumula sa maliit na simula.

*

nemo

Re: Swine Raising vs. Poultry Rasing
« Reply #1 on: November 07, 2013, 10:35:13 PM »
usually kasi kung hundreds  lang ang manok ang option tlaga is dressed. kahit ikaw lang magdressed or minsan meron maliliit na dressing plant na pwede ka magpadress yun nga lang market naman ang next na problem mo, pagnadress na san mo ibebenta.  pag thousand above na kasi ang alaga mo meron nang mga biyahero na pupunta sa inyo at live weight na ang usapan.

Quill? i assume po pugo ang sinasabi  nila, personally kasi para sa akin high risk- high gain ang laying type- ito ang pinaka mabilis kumitasa livestock, although  contract basis kayo kaya medyo mahirap lalo. sa 1000 quail kasi tentative na kita is 3000 to 7000 per month. Sabihin mo nalang sa kakilala mo kung gusto niya nag quail mga 50% ang failure rate nito, willing ba siya mag invest. In short ang matitibay lang ang loob ang yumayaman.

*

Hoggy

  • *
  • 31
    • View Profile
Re: Swine Raising vs. Poultry Rasing
« Reply #2 on: November 08, 2013, 11:26:35 AM »
Thanks again doc sa reply niyo. . .  :)

Minsan po kasi nag-alaga na po ako ng 35 chickens at kami na po ang nag-dressed. Yun nga lang po may mga hindi kami matanggal na maliliit na balahibo. Meatshop sa palengke ko po benenta at sila na po yung contact ko. Sabi po nila mag-alaga lang daw po ako at anytime na meron na, i-deliver ko lang daw po. Ayos naman at kumita rin po ako. ang problema ko lang po kasi dresser talaga kasi sa totoo lang po mahirap  :(

Sorry po at wrong spelling ako, "quail" po pala, PUGO  :D
Dun naman sa contractor ko, I can say malakas po ang loob niya talaga. Meron din po siyang bangusan at inuupahan niya yung ng 50K/year at dalawa na po ngayon. Napansin ko po talaga na malakas loob niya kasi po sa'kin pa lang nung first time namin nag-umpisa kami agad sa 30pigs tas ngayon na nakabenta kami gusto niyang gawing 50pigs kaya aburido rin ako kasi kailangan ko ng magpagawa ng kulungan at yun ang medyo masakit sakin ngayon, mahal ang materyales plus labor pa  :(
Thanks po sa mga payo niyo talaga doc!  ;) at SALAMAT kasi libre po! GOD bless you and your family and more power!

p.s.
by the way po, Pangasinan area po ako  :)
Ang malaking bagay ay nagmumula sa maliit na simula.

*

up_n_und3r

  • ****
  • 307
  • The more the merrier
    • View Profile
Re: Swine Raising vs. Poultry Rasing
« Reply #3 on: November 13, 2013, 11:00:00 PM »
@Hoggy, san ka po sa Pangasinan?

Sa San Fabian po pigfarm ko.
Big things come from small beginnings.

*

Hoggy

  • *
  • 31
    • View Profile
Re: Swine Raising vs. Poultry Rasing
« Reply #4 on: November 14, 2013, 11:40:38 AM »
@Hoggy, san ka po sa Pangasinan?

Sa San Fabian po pigfarm ko.

Good day to you sir @up_n_und3r. Sa Basista po ako sir. Backyard pa lang po ako. . .

"Sinotto" ko po yung sayings niyo, tinagalog ko  ;D
Anu po pala name ng Piggery farm niyo? Kung sakaling makaipon bibili ako ng Inahing baboy niyo :)
Ang malaking bagay ay nagmumula sa maliit na simula.

*

up_n_und3r

  • ****
  • 307
  • The more the merrier
    • View Profile
Re: Swine Raising vs. Poultry Rasing
« Reply #5 on: November 14, 2013, 10:51:36 PM »
30 sow level p lng ako. Turned 3 yrs p lng itong hobby ko, maganda kc ung may pinagkakaabalahan ka kapag umuuwi ka ng probinsya. =)

Pwede kng bumisita sa farm, just let me know kung kelan. Maganda this coming December kc mahaba bakasyon.
Big things come from small beginnings.

*

Hoggy

  • *
  • 31
    • View Profile
Re: Swine Raising vs. Poultry Rasing
« Reply #6 on: November 15, 2013, 11:37:03 AM »
Wow!  :o Galing naman. . .  Sige po sir kapag may time i'll let you know para makapasyal ako ng December. Sakin po kasi sa fattening ako naka-focus, 3 palang ang sow ko. Wala pa akong 1 year na nagsisimula at isa pa lang ang kasama ko sa piggery namin, hands-on pa rin ako. Iba pa rin kasi kung ikaw mismo ang mag-aalaga kaysa iasa sa boy (katulong).

Sige po sir GOD bless po ulit!  :)
Ang malaking bagay ay nagmumula sa maliit na simula.

 


Privacy Policy