doc nemo..
meron din pala ako isang inahin na kapag pinapakain ko ng breeder mash eh nagsusuka, inilalabas nya yung parang hydrochloric acid, mahina din ubusin ang pagkain niya, pero kapag pellets hindi siya gaanong nagsusuka.
kahit noon pa ganito talaga siya doc. kahit noon nag lactation mash isinusuka nya, itong iwinalay na namin namayat ng husto kasi mahina kumain ng mashfeeds,,, kaya may nag advice sa akin haluan ko daw ng prestarter at breedermash positive naman ang advice niya kumakain medyo malakas compare sa mashfeeds pero laki gastos ko sa prestarter.. yun sabi nya para makarecover at tumaba ulit, pansin ko tumataba nga yung inahin,,, pinalipas ko ng isang landi para makabalik ang dating ganda ng katawan.
ito ang tanong ko doc paano sa susunod na panahon kasi hindi ko kaya mag pellets malaki magagastos ko sa pakain.. kaya mashfeeds parin ako, eh sa susunod maglalandi na po ito a-AI ko na po ito.. Hindi po kaya merong problema o magkaroon ng malaking problema sa kanyang digestive system kasi hydrochloric acid inilalabas nya,.. patulungan po ako doc...
ty a lot