Author Topic: may lumabas sa pwet ng inahin  (Read 4732 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

deanellen

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
may lumabas sa pwet ng inahin
« on: June 29, 2013, 11:44:51 PM »
Doc,
yung 1 sow ko po na pang 6th parity ay nanganak noong june 23 ng 14 piglets, 1 stillborn, 13 buhay. nagkalagnat siya. tinurukan siya ng cbg, antibiotic, oxytocin ng tech namin the day after siya nanganak. pero ngayon okay na siya wala na siyang lagnat. hinaluan naming ang feeds niya ng vitamins (muti-lyte gawa ng lakpue). ang problem ngayon ay meroong lumabas sa ari nya na puti na sticky na parang sipon. ano yun? anong gamut nito? yung pinapainom lang, yung hindi injection. wala kasi kaming farrowing pen kaya  nanghahabol ito pag nagagalit. thanks po!
« Last Edit: June 29, 2013, 11:46:44 PM by deanellen »

mikegwaps

  • Guest
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #1 on: June 30, 2013, 03:52:39 AM »
kuyang, nagdukot ka ba or natural lahat ang paglabas ng mga biik?

sinned

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #2 on: July 03, 2013, 05:54:19 AM »
Doc,
 I really need help, I'm a little bit worried sa dalawa kong sows na kapapanganak lang, 1st parity.

Sa sow 1 po ang problem ko po sa kanya ay ayaw napo kumain since nagshift ako ng lactating(gradual shifting) at the same time nilipat ko sa farrowing pen. Nung nilipat po namin medyo stress sya kc elevated po eh nahirapan po kami maglipat..nanganak sya Ning June 28, 1 mummified, 1 stillbirth, 7 good. Pero till now ayaw parin po kumain..nga pala dinukot po namin yung last 3 na biking kc tumigil na sya maghilab at medyo malaki po.sa ngayon patay na rin yung dalawang biik po nya..ano po kaya sakit ng sow ko? Pahelp Naman po..

Sa sow 2 Naman po ay nanganak July 2, Lima Lang po anak Nya medyo malalaki po, nagdukot din po kami kc nahihirapan din po..tapos sa pagdukot po nagkaroon po ng hiya yung labi ng ari Nya medyo malaki din po..tapos dipa kumakain po hanggang ngayon. hoping bukas kakain na po sya Pero pag Hindi ano po kaya ang problems? Patulong Naman po..

And another concern ko po, masyado kayang matataba sows ko kaya nahihirapan sila manganak?yun kc po ang sinasabi nila.. Pero yung feeding program Naman ng feed company sinusunod ko po.

Maraming salamat po I really need your help.

nemo

  • Guest
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #3 on: July 04, 2013, 04:08:11 AM »
@dea, possible mild infection kung malakas kumain bigyan mo lang vitamins para ifight yun infection.

@sinned, after ba manganak naka pagbigay sila antibiotik? Usually nagbibigay kasi ng antibiotic to prevent infection. Then kung ayaw pa niya kumain, natry po ba nila na basahin yun feeds ng baboy, haluan po nila ng water yun feeds baka sakaling ganahan kumain, meron iba nagdadagdag pa ng asukal or honey pang enganyo sa baboy.

yun sa 2nd inahin po nila sa tingin ko tama ang pakain nila , ang naging problem lang ang feeding program kasi inaassume na atleast 10 sana ang biik sa tiyan ng inahin at dahil lima lang sila yun nutrisyon na para sana sa 1 inahin at 10 biik ay pinaghatian lang ng 1 inahin at 5 biik so ang tendency sobra ang nutrisyon at naging dahilan ng pagtaba ng baboy. Do the same din ng feeding program na nabanggit ko para sa sow 1 nyo. worst case pag ayaw pa kumain ibalik nyo sa broodsow or grower kung alin ang kakainin nila sa dlawa then gradual shift to lactation  uli

baboypig

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #4 on: July 04, 2013, 03:49:11 PM »
doc nemo..

meron din pala ako isang inahin na kapag pinapakain ko ng breeder mash eh nagsusuka, inilalabas nya yung parang hydrochloric acid, mahina din ubusin ang pagkain niya,   pero kapag pellets hindi siya gaanong nagsusuka.

kahit noon pa ganito talaga siya doc. kahit noon nag lactation mash isinusuka nya, itong iwinalay na namin namayat ng husto kasi mahina kumain ng mashfeeds,,, kaya may nag advice sa akin haluan ko daw ng prestarter at breedermash  positive naman ang advice niya kumakain medyo malakas compare sa mashfeeds pero laki gastos ko sa prestarter.. yun sabi nya para makarecover at tumaba ulit, pansin ko tumataba nga yung inahin,,, pinalipas ko ng isang landi para makabalik ang dating ganda ng katawan.


ito ang tanong ko doc paano sa susunod na panahon kasi hindi ko kaya mag pellets malaki magagastos ko sa pakain.. kaya mashfeeds parin ako, eh sa susunod maglalandi na po ito a-AI ko na po ito..   Hindi po kaya merong problema o magkaroon ng malaking problema sa kanyang digestive system kasi hydrochloric acid inilalabas nya,.. patulungan po ako doc...

ty a lot

sinned

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #5 on: July 04, 2013, 05:48:07 PM »
@doc nemo yes dok nagbigay kami ng antibiotic. natry ko napo lahat ng pwede gawin sa pagkain from wet to dry, dry to wet, broodsow to lactating, lactating to broodsow pati narin po yung pangbiik natry ko nadin po kaso wa effect parin po.. di nga nya subukan man lang amuyin yung mga feeds dok. yun sa 2nd inahin pala dok nasugatan po sa may labi ng ari nya medyo malaki ng kunti dok, pwede ba linis linisin ng iodine dok? kaya ginawa ko na dik yung mga biik ng una nagposter nalang sila sa 2nd sow..tsaka dok yung malunggay leaves ba hilaw na pinapakain sa bagong panganak?



sinned

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #6 on: July 05, 2013, 02:13:13 AM »
MEDYO OK NAPO YUNG SOW 2 KO, KUMAKAIN NAPO SYA, INAABANGAN KO NALANG YUNG PAGGALING NG SUGAT NYA SA MAY LABI NG ARI NYA.

nemo

  • Guest
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #7 on: July 10, 2013, 02:31:19 AM »
@sinned,  pwede gamitin betadine pang langas ng sugat

@baboypig try po nila icook uli ang mash feeds nila ang mash feeds kasi hindi kasing luto ng pellet feeds so inaassume ko hirap siya idigest ito kaya sya nagsusuka. natry nyo na ba magwet feed kung sakling kakainin niya?

deanellen

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #8 on: July 23, 2013, 03:47:28 AM »
thanks po doc. pero binenta ko nalang.
by the way, paano maaalis ang amoy ng dumi ng baboy?
thanks!

nemo

  • Guest
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #9 on: July 30, 2013, 02:52:58 AM »
meron pong mga feeds na may mga odor minimiser like yucca extract na nakahalo na sa feeds.

ang amoy po kasi ng babuyan mamiminimize lang peor meron at meron pa rin  naiiwan.

ang iba naman po naghahalo ng beddings para mag absorb ng amoy.

kung may paggawaan ng cornick sa area nyo yun abo po nung pwedeng pang lagay sa dumi ng baboy para maminimise ang amoy

then ang kulungan po dapat laging tuyo po para ang dumi ng baboy ay matuyo at hindi umamoy

nemo

  • Guest
Re: may lumabas sa pwet ng inahin
« Reply #10 on: October 06, 2014, 01:39:02 AM »
pwede po,
ang oxytocin ay binibigay para magcontract ang baboy pero kapag kulang sa calcium si baboy hindi magiging efective ang contraction nito