Tulong naman po, baka po me alam kayo na pwedeng pampatae ng Baboy?..
Case po eh: Inahing Babuy, Buntis pero hindi pa sya manganganak, Minsan Kumakain ng konti pero Minsan Kumakain, mahina ring uminom ng tubig, On and Off yung kanyang Lagnat tapos pag me lagnat eh hingal, Parang Pilay yung isa nyang paa (kse cguro sa isang side lang sya nahiga eh naiipit).. Pag me lagnat pinaliliguan namin ng Suka tapos tinuturukan ng Co-Pyrine at Terramycin LA kinabukasan okay na uli pero lalagnatin uli yun after a few days.. dati nung umpisa pa lang me katigasan yung tae nya at pailan ilan lang.. kaya napansin namin na siguro hindi sya mapatae o hirap tumae pero yun nga mga 2 days ng hindi narumi at hindi nakain ang nagawa na namin eh: Diko alam yung tawag dun sa rubber na pula na ang isa sa ginawa namin eh pinasok sa pwet nung babuy yung rubber tapos sa labas eh tinusok namin sa malaking syringe para lagyan nung tubig at ipasok papunta sa puwet nung babuy yung tubig, yung parang Labatiba pag sa tao ginawa pero wa epek parin, nung nag uumpisa palang syang manghina ang kain at nakita nga naming parang hirap tumae eh sinubukan narin naming bigyan ng mga dahon na malakas sa fiber pero wa epek rin, pinapaliguan din namin mga bandang 8:30 ng umaga tapos sa tanghali eh yung side lang nya eh wa epek din.. Nabigyan ko narin ng 1 Dulcolax Supository na pangmatanda kahapon ng hapon pero hindi parin tumae, ngayung umaga naman eh binigyan ko rin ng 5 kremil-S na dinurog tapos nilagay sa 1.5 liters na tubig ipinilit na ipainom dun sa baboy pero wa epek parin!
dko na ho alam kung ano pang gagawin, wari ko ho eh kelangan talaga nung babuy tumae yun ho ang palagay ko kaya ho baka me alam kayo na paraan ng pag papa tae sa baboy na buntis.. sayang ho kase at buntis! salamat po..