pinoyagribusiness.com
Hello Guest

Pampatae ng Baboy?

  • 6 Replies
  • 3335 Views

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Pampatae ng Baboy?
« on: August 22, 2012, 10:01:08 AM »
Tulong naman po, baka po me alam kayo na pwedeng pampatae ng Baboy?..

Case po eh: Inahing Babuy, Buntis pero hindi pa sya manganganak, Minsan Kumakain ng konti pero Minsan Kumakain, mahina ring uminom ng tubig, On and Off yung kanyang Lagnat tapos pag me lagnat eh hingal, Parang Pilay yung isa nyang paa (kse cguro sa isang side lang sya nahiga eh naiipit).. Pag me lagnat pinaliliguan namin ng Suka tapos tinuturukan ng Co-Pyrine at Terramycin LA kinabukasan okay na uli pero lalagnatin uli yun after a few days.. dati nung umpisa pa lang me katigasan yung tae nya at pailan ilan lang.. kaya napansin namin na siguro hindi sya mapatae o hirap tumae pero yun nga mga 2 days ng hindi narumi at hindi nakain ang nagawa na namin eh: Diko alam yung tawag dun sa rubber na pula na ang isa sa ginawa namin eh pinasok sa pwet nung babuy yung rubber tapos sa labas eh tinusok namin sa malaking syringe para lagyan nung tubig at ipasok papunta sa puwet nung babuy yung tubig, yung parang Labatiba pag sa tao ginawa pero wa epek parin, nung nag uumpisa palang syang manghina ang kain at nakita nga naming parang hirap tumae eh sinubukan narin naming bigyan ng mga dahon na malakas sa fiber pero wa epek rin, pinapaliguan din namin mga bandang 8:30 ng umaga tapos sa tanghali eh yung side lang nya eh wa epek din.. Nabigyan ko narin ng 1 Dulcolax Supository na pangmatanda kahapon ng hapon pero hindi parin tumae, ngayung umaga naman eh binigyan ko rin ng 5 kremil-S na dinurog tapos nilagay sa 1.5 liters na tubig ipinilit na ipainom dun sa baboy pero wa epek parin!

dko na ho alam kung ano pang gagawin, wari ko ho eh kelangan talaga nung babuy tumae yun ho ang palagay ko kaya ho baka me alam kayo na paraan ng pag papa tae sa baboy na buntis.. sayang ho kase at buntis! salamat po..     

*

nemo

Re: Pampatae ng Baboy?
« Reply #1 on: August 22, 2012, 08:51:42 PM »
ah... halos ang dami nilang nagawa para sa animal , ang question nalang is baka ala pa pong nakapondo dahil hindi nga siya kumakain...

yun feeds po ng animal lagyan nyo ng maraming tubig tuwing kakain, hopefully pagkumain siya lalambot na rin ang dumi niya dahil sa dami ng water na naisama na sa feeds nila. then lagyan po nila ng yelo yun inumin ng alaga nila para ganahan uminom.

give vitamins injectable sa alaga nila.

 "yun after a few daysna lalagnatin ang animal" after nagbigay kayo ng tera LA nagfofolow up ba sila ?

Re: Pampatae ng Baboy?
« Reply #2 on: August 24, 2012, 08:42:08 PM »
sir hindi ako nag follow up ng terra la, since long acting sya at ang nasa label eh follow up after 3 days.. eh hindi ko napo sinundan after 3 days.. currently po eh wala ng lagnat, so medyo okay at wala ng lagnat tapos medyo malakas napo syang uminom ngayon pero sa kain po eh mga 1/4 to 1/2 kg lang ang kinakain nya at sa tae naman po eh ang ginawa po nung technician namin eh nilagyan nya ng castor oil yung loob ng pwet ng babuy tapos tinanggal nya yung mga tae na nasa bukana ng puwet, kinapa nya yung loob ng pwet at okay naman raw po at wala naman raw po bukol sa loob, ngayun natae na po pero konti nga lang kase matamlay kumain saka yung tae po eh parang tae ng kambing na bilog bilog na me katigasan tapos nung nag visit nga po yung technician eh tinurukan po nya ng DCM 80cc para raw po magka dextrose yung babuy pero hindi napo nya pina follow up yun at ang sabi po nya eh kulang raw sa calcium yung babuy eh ang plano ko po eh hanap ako ng calcium na pwede tunawin sa tubig at ipainum dun sa babuy kase sayang naman pag yung panghalo sa feeds ang bibigay ko.. tapos binibigay napo namin eh Hog Pre Starter kase sa lahat po ng feeds na binigay namin para lang maenganyo kumain eh yun yung feeds na kahit 1/4 lang eh kinakain nya.. kaya ayun sa ngayun pagkain nalang po yung problema nung babuy.. 

*

nemo

Re: Pampatae ng Baboy?
« Reply #3 on: August 25, 2012, 08:04:15 PM »
give vitamins nalang po para ganahan sa pagkain.

yun paglumpo nya possible nga na dahil sa konti ang calcium sa katawan niya. meron pong mga calcium feed additive na nabibili sa store like cecical para mabigyan nyo ng aditional calcium ang kanilang alaga.


Re: Pampatae ng Baboy?
« Reply #4 on: September 21, 2012, 08:06:17 PM »
Doc gudeve. Ano po pwde gamot sa biik na ngtatae? Newbie bo as backyard raiser po. Tnx

*

nemo

Re: Pampatae ng Baboy?
« Reply #5 on: September 24, 2012, 08:32:50 PM »
sa biik meron pong mga water soluble antibiotic at meron din po injectable.

peniciln or amox po pwede nila itry muna.

pero kung medyo malambot ang dumi ng alaga mo at kumakakain ng malakas at hindi naman pumapayat no ned to give antibiotic

Re: Pampatae ng Baboy?
« Reply #6 on: September 25, 2012, 06:04:08 AM »
Salamat po doc.

 


Privacy Policy