Mga Kuyang,
Hingi lng ako ng advise sa isa kong inahin.
Umuwi po ako sa farm last weekend para icheck personally mga alaga ko. Ung problematic na inahin ko kpapanganak one week ago. Mataba xang inahin pero ung mga anak na nilabas is mapapayat and ung iba maliliit. 12 lahat nilabas nya, 3 dead na paglabas and ung ibang nabuhay, isa isa na nangangayayat kc wala maxadong gatas ung inahin.
Pinaturukan ko ng penstrep ung inahin pero til now may lagnat p rin. We were thinking na baka may naiwan sa loob pa pero sinabi ng mga tumingin na technician, kung may naiwan pa, ung behavior ng inahin is pahiga higa na lng and dapat pulang pula na katawan nya na parang mapopoison na xa. So di na namin inisip na turukan ng oxytocin. Ang sabi na lng nila is banyosan n lng ng suka w/ water batok, kili kili at singit. Pero ung issue sa milking ability, tlagang onti milk nya raw. Di nmn daw matigas ung mga dede nya kaya hindi na kelangan un oxytocin tlga na pang milk letdown.
Ang worry ko is kung may mabubuhay pa na anak nya kc 2 na ung namatay, 7 n lng natira sa kanila and everytime na dumedede, parang onting onti tlga nkukuha kc payat pa rin sila e.
8 days na nila ngaun doc, nagpabili na rin ako ng milk replacer para ipump after magdede. nagpump rin ako ng 1st pulse sa kanila para makayanan pa nila. Ano pa po ba ung pwede kong gawin sa mga biik ko? Ayaw naman nilang dumede sa ibang inahin, 2hours na nilagay sa kabilang pen, di nmn sila nagdedede dun. Pano po ba tamang paggwa dun?
Thank po.