Author Topic: namagang joints ng mga biik sa mga paa  (Read 3752 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

GINA COPIADO

  • Guest
namagang joints ng mga biik sa mga paa
« on: August 29, 2011, 04:53:26 AM »
Magandang araw po doc ganito po ang nangyari sa aking mga biik ngayon 6 po sila at nagsususu ngayon bat po bigla na lang namaga yong mga joints nila yong tatlo po apectado hindi naman sila nadaganan o naano ng inahin ano kaya ang sakit na dumapu sa kanila at ano cure nila pls... help po.

nemo

  • Guest
Re: namagang joints ng mga biik sa mga paa
« Reply #1 on: August 29, 2011, 06:21:19 AM »
 Possible po kasi na bacterial infection ito.

Penicillin or amox po try nila bigay sa piglet.

try to maintain yun dryness ng kulungan para mas bumaba ang bacterial load sa loob. Medyo sensitive pa kasi ang mga biik

GINA COPIADO

  • Guest
Re: namagang joints ng mga biik sa mga paa
« Reply #2 on: August 29, 2011, 06:46:07 PM »
Salamat doc advice nyo pwede ho bang ibigay mycipen sa mga biik o sa inahin na lang para madede nila. tanong ko lamg doc how many days po interval ang bigay ng vitamins sa mga baboy during there recovery period in this situation..... tnx po sa tulong doc hero ka talaga. 8)

nemo

  • Guest
Re: namagang joints ng mga biik sa mga paa
« Reply #3 on: September 04, 2011, 06:34:14 AM »
kung oral vitamins kahit every day.

Kung nag inject ka. follow up mo na lang ng oral vitamins para hindi naman sila bugbog sa injection.

laguna_piglets

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 246
    • View Profile
    • Laguna Piglets Multiply Site
Re: namagang joints ng mga biik sa mga paa
« Reply #4 on: September 04, 2011, 03:15:36 PM »
Kamusta napo ang inyong piglets?? Usually kpg namaga na mga joints nila sila na ang napag iiwanan sa paglaki at tumatayo/kumakapal na ang mga balahibo (hirap makalakad/hindi makasuso).
Continuous stocks of piglets
Calamba, Laguna


E-MAIL & ADD us on FACEBOOK:   laguna_piglets@yahoo.com

Kurt

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 125
    • View Profile
Re: namagang joints ng mga biik sa mga paa
« Reply #5 on: September 29, 2011, 02:51:38 AM »
May experieince din ako kagaya nito.

Tama c Doc amox yong linagay sa kainan nila...unti-unting nawala yon..at may isang naiwan talaga..after several weeks gumaling naman pero ang bansot...mga 57 kilos lng yata yon for 175 days..pinagtiyagaan ko na lng katayin at pinautang sa kapitbahay.

Binbayaban

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: namagang joints ng mga biik sa mga paa
« Reply #6 on: February 26, 2017, 12:55:19 AM »
Pghindi pa kumkain ang biik at namamaga ang tuhod anu po b ang pwdeng gamot?

nemo

  • veterinarian
  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 7862
    • View Profile
    • pinoyagribusiness.com
Re: namagang joints ng mga biik sa mga paa
« Reply #7 on: February 26, 2017, 06:09:03 AM »
Pwede po sila  magbigay ng antiinflammatory drugs sa biiki. meron pong nabibili na injectable na ganitong gamot. Usually mga dexamethasone or prednisolone ang ginagamit