Ang alam ko kasi alang standard ang deep bedding system, what ever works for you, yung ang gamitin mo...
Kung ikaw kasi ay meron ng existing na kulungan then gamitin mo yun system na kung saan papatungan mo nalang yun semento mo. Kung wala ka pang kulungan then try mo yun 1 meter deep system.
Kung ako tatanungin mo although ala akong experience sa deep bedding system mas prefer ko yun patungan mo na lang ng beddings.
Mga possible na disadvantage ng 1 meter deep (personal opinion, no actual experience)
1. dahil 1 meter deep siya ang iyong pader ay dapat mga 2.5- 3 meter mula ilalim pataas. Ang .5-1 meter ay nakabaon sa lupa para maging matibay ito, yun 1 meter ay yun pinaka balon or hukay at yun 1 meter pa uli ay yun pinaka pader para hindi makatakas ang baboy.
2. dahil 1 meter siya dapat siksikin mong mabuti yun mga ilalagay mo dito na beddings , kung hindi malamang lumabog baboy mo especially kapag basa na ng wiwi nila yun kulungan.
3. In times naman ng harvest then it means halos 1 meter deep din ang papalitan nyo na beddings.
4. mas mukhang magastos ito compared sa conventional cement or dun sa dbs na ipinatong sa concrete.