Praymer sa Paggawa ng IMO o Indigenous Micro Organisms
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
a. Nagpapasagana ito ng sustansya ng lupa
b. Pinabibilis nito ang pagkabulok ng compost
c. Meron nito sa lupa ngunit unti-unting nawawala sa maraming dahilan
Paraan ng Paggawa ng IMO:
1. Maglagay ng isang kilong (1 kg) kanin sa isang kahoy na may 8 ½ “ x 11” x 3” amag laki o isang maliit na putol ng kawayan na bukas.
2. Takpan ang kahon o kawayan ng malinis na papel at talian ito.
3. Takpan rin ng plastic para hindi makapasok ang tubig-ulan, insekto at maliliit na hayop.
4. Tanggalin matapos ang tatlong (3) araw. Sa pagkakataong ito, may mga namumuo nang amag sa ibabaw ng kanin.
5. Ilagay sa lilom ng kahuyan o kawayanan o di kaya’y tabunan ng bunot ng niyog.
6. Ilagay sa isang palayok ang inamag na kanin at haluan ng isang (1) kilong ulang asukal.
7. Takpan ang palayok ng malinis na papel, talian ang takip. Ilagay sa isang malamig at malilom na lugar. Pagkalipas ng pitong (7) araw ay magtatamo ito ng malaputik na katas. Ito ang tatayong katas ng inyong IMO.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng IMO:
1. Haluan ng dalawang (2) kutsarang katas ng IMO ang isang (1) litrong tubig.
2. Ipandilig ito sa lupa at mga halaman.
Praymer sa Paggawa ng FPJ o Fermented Plant Juice
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
a. Tumatayong pagkain para sa mga IMO.
b. Pinagbubuti ang paglaki ng mga halaman
c. Nagpapatingkad ng mga lungting dahon o nakapagpapaigi ng “photosynthesis”.
Paraan ng Paggawa ng FPJ:
1. Bilang sangkap, pumutol ng isang puno ng “Cardaba” variety ng saging. Maari din gamitin ang talbos ng kamote, kangkong, alugbati o ng labong.
2. Tadtarin ang dalawang (2) kilo ng napiling sangkap at haluan ng isang (1) kilong pulang asukal.
3. Ilagay ang lahok sa palayok at patungan ng bato upang sumiksik ang pataba. Iwan nang ganito sa loob ng isang araw.
4. Tanggalin ang bato at takpan ang palayk ng malinis na papel at talian. Hayaang maburo ng pitong araw.
5. May makukuhang ½ litrong katas mula sa binuro.
6. Ipandilig sa lupa at sa dahon. Maari rin inumin g tao bilang pampalusog. Ito ay tumutulong sa pagdami ng IMO.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng FPJ:
1. Kumuha ng dalawang (2) kutsara ng katas at haluan ng isang (1) litrong tubig.
2. Ipandilig sa lupa kasama ang katas ng IMO isang beses kada linggo.
Praymer sa Paggawa ng FFJ o Fermented Fruit Juice
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagpapatamis ito ng mga prutas sa pamamagitan ng pagdagdag sa potassium.
Paraan ng Paggawa ng FFJ:
1. Talupan at tadtarin ang isang (1) kilong hinog na prutas (huwag isama ang balat at buto). Maaaring gamitin ang mangga, saging, papaya at abukado Maari din ang magulag na kalabasa.
2. Ilagay ang tinadtad na prutas sa palayok at haluan ng isang (1) kilong pulang asukal.
3. Takpan ng malinis na papel at talian. Ilagay sa malamig at malilom na lugar. Hayaag maburo ng pitong (7) araw.
4. Makakagawa ng dalawa at kalahating (2 ½) litro ng katas.
5. Ipandilig sa mga dahon at sa lupa. Maari dinitong inumin.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng FFJ:
1. Kumuha ng dalawang (2) kutsarang katas at haluan ng isang (1) litrong tubig.
2. Ipandilig sa lupa at sa mga dahon kasama ng IMO at FFJ.
Praymer sa Paggawa ng OHN o Oriental Herbal Nutrient
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagbibigay ito ng proteksiyon upang makaiwas sa sakit ang mga pananim.
Paraan ng Paggawa ng OHN:
1. Magtadtad ng limang (5) kilong luya o bawang.
2. Ilagay sa garapon. Lagyan ito ng beer hanngang sa ikatlo (1/3) ng garapon.
3. Makalipas ang labindalawang (12) oras ay maglagay ng isang (1) kilong pulang asukal. Hayaang maburo ng apat o hanggang limang (4-5) araw.
4. Sundan ang mga ito kapag handa na ang buro:
* Lagyan ng gin hanngang umabot sa leeg ng garapon. Pabayaan ng sampung (10) araw.
* Matapos ang sampung araw, kumuha ng sabaw na kasing dami ng gin na inilagay.
* Ulit-ulitin ang letrang “a” at “b” hanggang sa umabot ng limang (5) ulit.
* Sa ika-apat at ika-limang ulit ay samahan ng dinikdik na sili, panyawan, at bunga ng “neem” ag gin upang tumapang ang gamot.
5. Ipandilig sa mga halaman kasama ang IMO, FFJ at FPJ kada lingo. Kapag nanghihina ang mga tanim o kapag nagsisimula nang mamulaklak.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng OHN:
Ihalo ang dalawang (2) kutsara ng OHN sa isang (1) litro ng tubig. Ipandilig sa lupa at mga dahon kasama ang ang IMO at FPJ kada lingo.
Praymer sa Paggawa ng FAA o Fish Amino Acid
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagpapalagom ng nitrohina (nitrogen) sa lupa
Paraan ng Paggawa ng Fish Amino Acid:
1. Maglagay ng ilang isda, tinik, bituka, hasang at balat, o suso sa isang lalagyang plastic. Haluan ng kasindaming pulang asukal.
2. Takpan at ilagay sa isang malamig at malilom na lugar. Hayaang maburo ng sampung araw at kunin ang katas.
3. Ihalo ang dalawang (2) kutsara ng katas sa isang (1) litrong tubig. Ipandilig sa halaman, lupa at compost.
Praymer sa Paggawa ng Calcium Phosphate
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Tumutulong sa pamumulaklak ng mga pananim.
Paraan ng Paggawa ng Calcium Phosphate:
1. Magpakulo ng dalawang (2) kilong buto (ng hayop) hanggang matangal ang laman at taba. Pahanginan hanggang matuyo.
2. Ihawin ang buto hanggang mangulay uling. Hayaang lumamig pagkatapos
3. Ilagay sa plastic na sisidlan na may limang (5) galong sukang niyog (walang kulay). Takpan at pabayaan ng tatlumpung (30) araw bago gamitin.
Praymer sa Paggawa ng Calcium
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagpapatatag ng mga bulaklak.
Paraan ng Paggawa ng Calcium:
1. Magprito ng dalawang (2) kilong balat ng itlog hanging mangitim. Itabi muna nang sandali matapos i-prito at hayaang lumamig.
2. Ilagay sa sisidlang plastic ang mga napritong balat ng itlog at samahan ng limang (5) galon ng sukang niyog (walang kulay). Takpan ang sisidlan at pabayaan ng dalawampung (20) araw.
3. Ihalo ang dalawang (2) kutsarang katas na makukuha sa isang litrong tubig. Ipandilig ito sa halaman, lupa, at compost.
Praymer sa Paggawa ng Natural Attractant for Flying Insects
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Tumatayong pamukana ng mga lumilipad na pesteng kulisap.
Paraan ng Paggawa ng Natural Attractant for Flying Insects:
1. Magpakulo ng isang (1) galong sukang niyog na may kalahating (1/2) kilong pulang asukal. Hayaang lumamig at lagyan ng ikatlong (1/3) litro ng purong FPJ. Ilagay sa maliliit na sisidlan.
2. Magsabit ng ilang sisidlan sa mga punong kahoy na nagbubunga.
3. Magsabit din ng ilang sisidlan sa mga gumagapang na gulay.
4. Ilipat ang laman ng ilang sisidlan sa mas bukas na lalagyan at itabi ito sa gilid ng gulayan.
Praymer sa Paggawa ng Seed and Seedling Treatment
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagsisigurp sa magandang paglago ng mga halaman, dahil karamihan sa mga makabagong binhi ay mahihina. Sa pamamagitan ng Seed and Seedling Treatment, ang binhi ay magkakaroon ng makakaal na cotyledon na magpapatatag dito laban sa bulate. Gaganda rin ang paglago ng ugat na magpapalakas ng resistensya ng halaman sa sakit.
Paraan ng Paggawa ng Seed and Seedling Treatment:
1. Sa tatlong (3) litro ng tubig, ihalo ang dalawang (2) kutsara ng lambanog, dalawang (2) kutsarang FPJ, at dalawang (2) kutsarang OHN. Ilagay ang mga buto sa isang net bag o sa isang wine basket.
2. Ibabad ang mga binhi ditto sa loob ng apat hannganng walong (4-8) oras. Mas matagal na ibabad ang mga binhing mabagal sumibol. Siguraduhing Itanim ang mga binhi bago ito matuyo.
3. Huwag diligan ag mga punla dalawang (2) araw bago mag lipat-tanim. Ulitin ang timpla sa #1 at ibabad ang punla ng labinlimang (15) segundo; agad na maglipat-tanim pagkatapos.
4. Ipandilig ang matitira sa pinagbabaran ng mga halaman matapos silang itanim.
Praymer sa Paggawa ng BOKASI
Inihanda ni Mr. Jun Garde
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Isang mabisang pamamaraan ng pagpapabilis ng paggawa ng organikong pataba na sa loob lamang ng labing apat na araw maari na nating gamitin o I-aply sa bukirin.
Mga Sangkap na kailangang Ihanda:
* 15 Bags ng darak (rice bran)
* 30 Bags tae ng baka, kalabaw o ng manok
* 10 Bags ng carbonized rice hull (CRH)
* 10 Bags ng garden soil
* 3 Lata ng abo
* 3 kilong pulang asukal o molasses
* 3 litorng tuba o basi o sabaw ng buko
* 1 litrong IMO, FPJ, FAA, CALCIUM at FFJ
* 80 Litrong tubig
* 3 Beer Grande
Paraan ng Paggawa ng BOKASI:
1. Patag na lupa, o sementadong lugar ang kailangan
2. Unahin ang tae ng hayop, siguraduhing durog upang maging mas mabisa
3. Isunod ang darak (rice brand)
4. Pagkalipas ng isang halo, isunod ang garden soil at sinunog na ipa (abo)
5. Pagkalipas muli ng isang halo pagsabayang ipang-dilig ang tuba o basi
6. Samantalang ang IMO, FPJ, FAA, CALCIUM at ang pulang asukal o molasses ay magkasamang ihalo sa isang timbang tubig, para pandilig habang hinahalo ito
7. Kailangan mabasa ito hanggang 45% na pagkakabasa, para ito ay mabulok
8. Pagkahalo ng mga sangkap, ipunin ito ng pahaba sa sukat na 1.5 metro at sa lapad na 3-4 metro naman pahaba
9. Siksikin ito gamit ang pala at takpan ng plastic, pagkatapos mgalagay ng pabigat para hindi galawin ng hayop
10. Kailangan madalas ang paghahalo ng ginawang compost sa unang anim na araw, 2 beses kada araw
11. Pagkalipas ng 6 na araw, isang bese na lang ang paghalo hanggang umabot ng labing apat na araw
12. Pagkalipas, itusok ang iyong kamay upang malaman kung pwede na ito gamitin, pagka di na maiinit, pwede na ito i-aply sa bukid.
Paraan ng Paggamit ng BOKASI:
* Para sa gulay: isabay sa paghahanda ng pagtatamnam ang pagsabog ng bokasi
* Sa panahon ng paglipat sa gulay, isang latang bokasi ang kailangan i-apply sa kada puno
* Sa nature farming tekniks: ilubog ang puno, gulay o palay sa tubig na may halong OHN, FPJ, FAA bago ito itanim
* Kailangang sa pagpupunla palang ay maghalo na ng bokasi
Praymer sa Paggawa ng IBOF o Shizen Improved Bio-Organic Fertilizer
Ano ang IBOF?
* Ang SHIZEN IBOF ay isang uri ng “pinagbuting patabang bio-organic” mula sa mga nabubulok na mga bagay at hinaluan ng mga mabubuting mikrobyo.
* Mula ito sa mga ibat-ibang nabubulok na sangkap sa pamamagitan ng paggamit ng mga mabubuting mikrobyo, upang mapabilis ang pagkabulo ng mga ito at mapatay ang mga masasamang mikrobyo sa mga sangkap. Pagkatapos ay lalagyan natin ng mga fermenting agent.
* Ang “IBOF Technology” ay ginamit na ng mga benepisyaryo ng “Department of Agrarian Reform” (DAR) sa rehiyon 1, 2 at 4. Ito’y ginamit din ng Gawad Kalinga (GK) sa Robin Hood village, Valencia, Bukidnon at ng Microbiotech Farm sa Singapore.
* Napag-alaman na mas mabisa ang Improved Bio Organic Fertilizer (IBOF) kumpara sa ibang pataba tulad ng Control, chemical, organic at bio organic na mga pataba.