doc anu pong generic name ng water soluble vitamins aside from apsilin pede bang malaman ang name?
pede bang haluan ng trunk ng saging(UBAD nahinalo sa tinulang manok) para makatipid sa feeds ang mixing ay 1kilo sa feeds(grower or finisher) tapos 500 grams sa UbAD ng saging. Ok ba to doc? sabi ng friend ko kumikilo naman ang baboy niya ng 85 up in 4months
at saka hindi naman lahat ng feeds maconsume ng katawan ng baboy tinatae lang ang iba.
salamat po doc!!!
Wala siyang name basta multivitamins lang.
Yun paghahalo kasi ng feeds and raw materials like ubad is hindi advisable in the sense hindi na magiging balanse yun formulation ng feeds and ito yung binabayaran nyo sa feed formulation.
Kelan lang okay maghalo sa feeds ....
Well, kung yun hinahalo mo ay libre at maraming available na mapagkukunan. Kung sakali mang binibili dapat sobrang mura ito.
Minsan ang nagiging problema sa mga hinaluan ng raw materials ay yun baboy nagiging mataba at dahil dito tinatanggihan ng buyer . Kung minsan umaabot nga ng 85 kgs pero dahil binili nyo din yung raw materials at marami din kinain yun animal mas napapamahal pa kayo kumpara kung purong feeds ang binigay nyo.
In the end of the day hindi naman importante whether feeds or kung ano man raw materials ang pinakain nyo ang importante kumita tayo.
Meron nga iba na ang pikain is yung tiratira sa restaurant, libre na lumaki din naman ang baboy nila