@Avionics - ilan kg inabot ung pinakamabigat? ung pinakamagaan? Ung pinakamabigat mo bng baboy is lalake? Curious lng rin ako kung anong feeds gamit mo? Newbie rin ako dito sa business na ito, pero nakakaadik na agad. Heheh...
May 15 heads rin ako galing sa farm (hypig, 10:8/2, 5:8/29) and I'm planning to get 10 more. I got it for 1.6k lng per head and 50+ days pa nila knung nakuha ko, abot 12kg+/each. Kaya laking discount ko rin na rin nun.
I'm using Ace feeds (nagkataon rin na un din preference ni doc Nemo

) and mukang mataba nmn sila kung titignan sa edad nila ngaun. Ung isang kahon nmn iba gamit ko. Just trying to experiment what's the best feed for them. Magiiwan ako ng 2 or 3 para sa inahin ko for me to start them nmn. Maganda kc mga lahi nila and hand-picked ng tito ko sa farm. Sana abutin nila 90-100kg. =)
Hobbyist lng ako, di ko natututukan araw araw kc I'm full-time employee dito sa Manila. Mga parents ko nagaalaga dun and we have checkpoints lng every week. Heheh... Kaya I can't wait to go there month-end and see how large na mga baboy.
Thanks for sharing the numbers ng contact mo. Minsan may mga buyers from Baguio rin and maganda kung may contact k rin sa kanila kc bumababa mga un sa Pangasinan every week to buy 25 heads at least, ung kasya sa truck nila. Mataas rin bigayan nila.
Tama ka, daming modus mga buyers, minsan p nga tabingi pagkakalagay kaya sa scale rin mababa timbang. Suggest ng iba is gumawa ng kulungan, timbangin iyon then dun ipapasok ung baboy bgo timbangin, bwas na lng ung wt ng kulungan. That way, malayo sa modus ng mga buyer, basta make sure na nsa gitna lagi ung titimbangin. =)