Google
Hello Guest

paano po kumita sa piggery?

  • 2 Replies
  • 2832 Views

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

*

momonono

paano po kumita sa piggery?
« on: November 15, 2013, 08:13:24 PM »
mga sir tanong lang po paano kumita sa swine indistry? nag papalano po sana ako mag start ng 3 sow level  . gusto po sna itanong kung:

1. ano ang mas mangada sow-fatenning o ibenta n agad pag ka-anak
2. ano mas ok po ba ibenta na live weight o naka slaughter na
3. nasaba ko po na nag babago ang pricing ng swine saan ko po pwde malaman ang acurate na pricing para sa swine indestry?
4. sorry po for no brainer question  pero confuse po ako ano ang pag kakaiba ng backyard at comercial na piggery??
5.satingin nyo po advisable po ba na kumuha ako ng pwesto sa palengke para fast disposal ng fattener?
« Last Edit: November 15, 2013, 08:16:15 PM by momonono »

*

nemo

Re: paano po kumita sa piggery?
« Reply #1 on: November 16, 2013, 07:49:35 PM »
1. Sow-fattening ang pinaka magandang setup. pero kung starter ka palang mas advice ko start ka sa fattener muna para maexperience mo pag aalaga ng baboy then kapag  sa tingin mo para sainyo ang  business na ito.

2. Kung meron kang pwesto sa palengke then magandang up to slaughter ka kung ala ka naman pwesto at blak mo lang ibenta sa kapitbahay, wag mo na gawin magkakaroon lang kayo ng samaan ng loob ng magkakapitbhay dahil sa pautang.
 so liveweight ka nalang

3 Ang price malalaman sa pakikipag usap sa kapwa raiser sa malapit sa inyong area. Kung may kilala kang nagwowork sa big farms pwede ka magtanung sa knila para may basis ka. Usually 5-10 pesos and difference ng farm and backyard price

4. sa international kasi 50 inahin pataas consider ka na farm below dun backyard ka.  Yun iba 10-50 inahin semi commercial ang tawag. ang pinagkaiba nila ay ang dami na kaya mo iproduce sa isang buwan na baboy. pag farm ka kasi mas marami ka maproduce mas suki ka ng biyahero kaya mas mataas presyo mo.

5 magandang  makakuha ng pwesto especially kung mabenta yun area na makukunan mo,  yun nga lang napakamahal minsan ng pwesto sa palengke...

*

momonono

Re: paano po kumita sa piggery?
« Reply #2 on: November 16, 2013, 11:56:35 PM »
maraming salamat po sir nemo malaki po tulong ^_^

 


Privacy Policy