first thing to do po is ask yun nabilan nyo kung ano feeds kinakain, nasa starter ba siya, prestarter etc at ano timbang nito
halimbawa: 16 kgs siya at prestarter ang feed niya, so nid mo magcompute. depende sa feeding guide ng feeds na bibilin mo ang recomendasyon nila.
Sa ACE feeds brochure ang nakalagay:
feed weight of animal total feeds/stage
ace prestarter 10-20 kg 15 kgs
so it means sa timbang na 10-20 kg prestarter ang kakainin ng baboy at ang total ay 15 kgs makakain nya.
20kg -10 kg = 10 kg gain ang baboy
15 kgs of feeds divided by 10kg gain = 1.5 kilos of feeds per kg of meat
ang baboy ay 16 kilos pa lang at kulang pa ng 4 kilos para umabot sa 20 kg
4 kgs x 1.5 kg of feed = 6 kilos.
so ang isang baboy na 16 kilos papakainin mo pa ng 6 na kilo ng prestarter bago ka lumipat sa starter stage.
then ifollow mo nalang yun feeding guide ng feed manufacturer mo.
sa ace feeds ito yun dami ng feed na ipapakain mo sa isang animal(note sure kung meron bago sila brochure):
prestarter = 15 kgs
starter = 36 kgs
grower = 66 kgs
finisher = 84 kgs
sa mga sanay na sa pagbababoy ang ginagawa nila per sako:
prestarter = 1/2 sack
starter = 1 sack
grower = 2 sack
finisher = 1/2 sack above