Mga Gabay sa Pagpapalaki ng Kambing
A. Bago magpalahi
1. Mula sa grupo ng palahiang kambing, pumili ng may mas nakahihigit na malusog na katangian.
2. Suriin ang dugo ng mga hayop upang malaman kung may sakit tulad ng Brucellosis at Leptospirosis.
3. Purgahin ang mga hayop ng mga gamot na may malawakang bisa.
4. Ineksiyunan (turukan) ng Bitamina A, D, E upang mapag-ibayo ang kakayahang magparami.
5. Bakunahan ang mga hayop laban sa mga kumakalat na sakit.
6. Haluan ng bitamina/mineral ang mga pagkain upang maiwasto ang kakulangan nito at mapag-ibayo ang kakayahang magparami.
B. Panahon ng pagbubuntis
1. Panatilihing sapat ang dami at mataas ang uri ng pagkain ng hayop.
2. Kung nangangailangan ng pagbabakuna laban sa bakterya, gumamit ng bakterins tuwing ikaanim na buwan.
3. Sa huling 1-2 linggo ng pagbubuntis, magpurga laban sa bulate na mabibili sa botika.
K. Panganganak at matapos manganak
1. Ihiwalay sa kawan ang mga kambing na manganganak, isang lingo bago ang takdang panganganak.
2. Ihanda ang lugar na panganganakan. Ito ay dapat malinis, tuyo at lagyan ng dayami.
3. Sa kasisilang na guya, putulin ang pusod at lagyan ng tentura de yodo ang pinagputulan.
4. Upang maiwasan ang impeksiyon sa daanan ng ihi, lagyan ng antibayotiko bolusses ang ari ng inahing kambing.
5. Upang maiwasan ang “hypomagnesemia at hypocalcemia” (kakulangan sa magnesium at calcium) sa gatasang kambing, palagiang ineksiyunan ng “Dextrocalcium-magnesium” solution pagkapanganak.
D. Pagkapanganak hanggang sa pag-awat
1. Sa mga lugar na maraming parasitko, purgahin ang mga guya 4 hanggang 6 na linggo pagkapanganak at ulitin pagkatapos ng 30 araw.
2. Kung mahina at walang sigla, bigyan ng bitamina/mineral lalo na ng Bitamina B complex.
3. Ang mga guya ay madaling kapitan ng parasitikong panlabas kaya, gamitan ng pulbos na pamatay insekto.
4. Magbakuna laban sa kumakalat na sakit lalo na bago mag-awat.
5. Ulitin ang pagpupurga laban sa parasitiko sa bituka kung kinakailangan.
6. Maglagay ng bitamina/mineral sa pagkain para sa mabilis na paglaki at maiwasan ang kakulangan nito.
7. Upang maiwasan ang pagkabigla na sanhi ng pag-awat, bayaang sumuso ang guya sa edad na 3 linggo pagkasilang kung ang inahin ay gatasan.
E. Pagkaawat hanggang pagpapalaki
1. Kung lumipas na ang epekto o bias ng bakuna, ulitin ang pagbabakuna.
2. Ulitin ang pagsugpo sa parasitikong panlabas sa pamamagitan ng pulbos na pamatay insekto.
3. Sugpuin ang liverfluke sa pamamagitan ng pagpurga ng gamot na may malawakang bisa.
4. Kumunsulta sa beterinaryo sa paglitaw ng anumang sakit.
source:open academy