Google
Hello Guest

mabagal na pagbigat at paglaki ng aking mga palakihing baboy na almost 60 mos

  • 8 Replies
  • 3784 Views

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

*

hardcorerob

ano po kaya  ang problema? napurga ko na po sila gamit ivectrin granulated powder for seven days pero parang ang bagal pa din ng paglaki nila.now, im giving them b complex multivits gawa din ng metrovet kasi madali lang painumin at saka mukang kumpleto naman. bale 3 alaga ko at iwan na sila ng isa kasi nasa 20 kgs na yung isa parang nagkaron ako ng comparison. yung dalawa isang babae at lalake pero mas malaki pa yung babae.more or less nasa 15 kgs ang babae at less ang lalake.ano po tama kong gawin..salamat po.kung meron po kayong basic guide sa hog raising na manual paki send na lang po sa harcore_rock2000@yahoo.com. salamat po and God bless sa inyo.

*

nemo

animal, feeds and management, dapat po kasi maging maayos lahat yan para maging maganda ang laki ng kanilang alaga.

animal means yung genetic ng baboy, galing po ba sa magandang lahi at mabilis lumaki ang mga biik nila?

feeds, kung magandang klase ba, hindi tinitipid etc.

management, ilang beses magpakain, lagi bang may tubig ang animal, maganda ba ventilasyon etc...

other details check your mail nalang po...


--------------------------------------------


Join the Pinoyagribusiness Mailing list and be entitled to join the
(Pinoyagribusiness mailing list)  swine manual raffle this coming October. Please after subscribing check your email/ spam box to confirm your registration. thank you...

Note: previous members/ old members are not automatically registered in the mailing list. You need to manually subscribe.. Thank you

*

Rjay

  • **
  • 81
    • View Profile
doc,

gus2 ko po mag-experimento sana sa feeding pero need some advice muna doc baka kasi katawatawa ang gagawin ko. instead po na 165 days ang market day gawin ko na lang 150 doc pero yung total na gastos sa 15 days na excess sa finisher stage ay ililipat ko at i-distribute dun sa starter and grower stage. kung baga, if feeding suggestion sa starter stage ay 1kg magiging 1.5kg ito and sa grower stage naman na supposedly 2kg ay magiging 2.5 ito. napansin ko po kasi sa growth rate ng baboy ay increasing ang nasa weaners to grower stage den linear or steady ang nasa finisher stage. and sa tingin po ko mas maging malaman ang baboy kasi excessive yung feeds na binigay sa starter ang grower stage. in terms of efficiency doc ano po kaya sa tingin nyo?

*

nemo

ang usual naman talaga na days is 150 days or 5 months benta na nila si baboy.


sa feeding guide kasi ang sabi is  "average" so it means  na yung 1.5 kgs per day is  not necessary na yun lang ang ipapakain mo. kasi maaaring nung first day ang nakakain lang nila tag 1 kilo pero nun later na near 2 kilos per day na pero kapag kinuha mo ang total feds consume and number of days ang average feeding per day mo is 1.5 kgs

ex...
days    kgs
1          1
2          1.1
3          1.2
4          1.3
5          1.4
6          1.5
7          1.6
8          1.7
9          1.8
10         1.9


ang total nyan ay 14.5 kgs in 10 days or average of 1.45 kgs per day....
better pa rin na yun gana sa pagkain ng baboy ang batayan nla ng dami ng kakainin nito. yun guide batayan nyo lang kung gaano yun itrial nyo na dami sa umpisang pakain nila.

*

Rjay

  • **
  • 81
    • View Profile
tnx po doc

doc kung damihan mo un pakain ibig b sabihin nito ay proportionate din ung maaring ilalaki ng bigat ng baboy? ung adlib feeding ba ay same lang din ang proportion sa controlled feeding with respect to total feed volume consumed? i mean if controlled feeding with 150days market day ay simbigat lang ng adlib feeding of 120days market day? (granting na same ang total feed volume na na-consumed?) baka po kasi may regression ng digestability ng feeds kung excessive na ito. concerned po kasi ako sa gastos doc sensya na  ;D

doc un FCR same lang b yan whether controlled or adlib feeding? (granting po na same din ung quality and performance ng baboy at all aspect?) tnx po
« Last Edit: January 29, 2013, 12:14:42 PM by Rjay »

*

nemo

put it this way nalang , ang kakainin ng baboy is yung kailangan lang talga nila.

ngayon kung maganda breed ng baboy nila yun dami ng kinain nyan yun din ang ilalaki nyan
pero kung bansutin ang baboy kahit na madami pa kainin nyan di yan lalaki ng malaki talaga pero kung irestrict  mo naman sa pagkain lalong mababansot.

to summarize ;D  hanggat gusto kumain pakainin kung hindi lumaki it means possible na pangit ang baboy nila at next time sa ibang farm naman bumili ng biik.

inaasume ko na mgandang brand at yun premium ang ipapakain nila sa baboy sa scenariong nabanggit...

*

Rjay

  • **
  • 81
    • View Profile
tnx po doc.

*

Rjay

  • **
  • 81
    • View Profile
doc,

yun mga biik ng matatandang inahin talaga bang nababansot? halimbawa doc same pa rin yung volume and quality ng pakain, mga ilang kilo kaya mababawas doc at market day?

*

nemo

ala pong fix na masasabi kung gaano mababawas sa  bigat,  you have to check your data kung ilang ba difference nito compared sa mga dati inanak  ng inahin na ito.

Nababansot sila kasi minsan pangit na mag alaga yun inahin, pangit na maggatas etc, kung ganito ang sitwasyon for culling na yun inahin...

 


Privacy Policy