magandang araw po sa lahat ng mag bababoy,
nais ko lang humingi ng opinion sa nagiging problem ko sa akin alagang Gilt. monitoring po ako about sa heat
nya ika-21 days po nya at ito po ay 2nd heat po ng akin alaga ngayong july 10 2012. kaya ko po nasabing 2nd heat nya ay sa kadahilanan may mga lumalabas na white po sa kaya. nakatutok na po ako sa pag monitor sa kanya para sa standing heat. sa umaga bago at pagkatapos kumain back raiding po ako at maging sa hapon pero po ayaw po nya magpasampa. wala po akong barako para ipatukso sa kanya. nahihirapan po ako sa ganitong pamamaraan lalo na ayaw ng gilt mag standing heat.
ano po ba ang pwede ko pang gawin para dito upang malaman ko agad kung pwede ko na sya a.i?
mga ginawa ko na po.
1. sa umaga at hapon himas magkabilang gilid at sampa sa likod ng gilt- ayaw magpasampa
2. bumili ng laway at semilya ng barako sa kapit bahay upang matukso.(ayaw kasi ng kapit bahay ipahiram barako nya kaya laway nalang may bayad pa.)
3. ginulat at ginutom ko na sya.
4. nilagay ko sa gestating pen upang madali ang pagsampa ko at ma monitor ko agad.
sana matulungan nyo ako.
last opions ko turukan ng pampalandi.