diga ho nangyayari yung insidente na magkalapit lang ang araw na nanganak yung ilang inahin at minsan maraming anak yung isang inahin at minsan yung isa namang inahin eh kaunti lang, eh ang turo ho samin eh kukuha kami ng biik dun sa maraming anak at ililipat dun sa kakaunti lang ang anak para raw malaki ang tsansa na makadede ang lahat ng mga biik.. eh bakit ho ang nagiging experience ko sa ganitong sistema eh namamatay po yung karamihan ng biik na inililipat ko ng inahin? bakit ga ho ganun kase po lumalabas na within 48 hours eh manghihina/magkakasakit/mamatay yung mga biik na inilipat ko ng inahin.. eh ngayun po paraw ayaw ko ng sundin yung ganung payo.. kaya gusto ko pong malaman kung pano po ba ang tamang paglipat ng mga biik sa ibang inahin? o Mali po ba ang turo sakin at bagkus eh dapat hindi ko ilipat ang mga biik sa ibang inahin?
kaya ko po kase ginagawa yung pag lipat ng biik sa ibang inahin eh kase na experience ko po na pag marami yung biik na inianak ng isang babuy eh me maiiwanan po ng laki dun sa mga biik, ika nga ho eh pag kalipas ng ilang araw yung ibang biik eh me bilog na ang tyan eh yung iba naman eh payatot parin..