sa feeds business po kasi meron downline system yan ... meaning mula sa planta minsan meron pang megadistributor, distributor , dealer tapos subdealer...
halimbawa sa buong region 3 ang megadistributor ay si juan meron siyang distributor kada probinsiya, bulacan , pampanga , tarlac etc... tapos si distributor meron dealer kada bayan, at si dealer naman meron subdealer kada baranggay.
sa mga nagsisimula usually subdealer ang category nila/ yun iba tawag sa kanila dealer narin pero in reality ikaw yun nasa ilalim...
Ang feeds kasi kikita ka sa dalawang paraan una yun tubo mo sa per sako , yun pangalawa is rebate mo sa dami ng binili mo na feeds...Halimbawa 1200 srp ng feeds yun 100 tubo mo pero kapag nakabenta ka ng 100 sako bibigyan ka ng additional discount ni dealer na 5-10 pesos per sako, example lang po ito.
Bilang nagsisimula talagang mahirap makipag compete kasi pati dealer mo kalaban mo. Kasi minsan pag regular customer nila malaki discount binibigay nila para bumalik balik sa kanila. Yun ang nangyari sa case mo. dahil regular customer ka malaki bigay na discount sa iyo sa dati mo binibilhan.
Ang isang option is makakita ka ng isang brand ng feeds na malaki ang discount na ibibigay sa iyo. usually sila yun mga bagong feed company na wala pang downline sa area nyo. Kung baga kukuha ka ng mga kilalang brand pero magtitinda ka rin ng mga bagong feeds at ikaw mag hihikayat sa customer mo na lumipat sa bagong brand. Kung baga gagawin mong dealer or distributor ang sarili mo ng isang bagong feed brand.
Usually naman feeds supply and animal meds ay magkakasama so additional na kikitain mo maggagaling sa gamot.