Doc Nemo,
May sampu po ako na inahin at bago lang ako sa pagaalaga nito! Kung minsan may 3 nakakasabay na nanganganak sa 1 buwan. Gusto ko lang po itanong kung paano iprogram ito na manganganak sila ng hindi nagkakasabay sabay, Halimbawa 2 inahin kada buwan! Ang nangyayari po kasi magkakasabay sila nanganganak kaya pag nabenta yung mga biik eh matagal din akong magaantay bago sila manganak ulit! Maganda po sana ay buwan buwan may nanganganak at may naibebenta din para pangsuporta sa pagkain ng ibang inahin. Gusto ko po sana magdagdag pa ng inahin kaya nga lang po nahihirapan ako pagnagkakasabay sabay na sila ng panganganak. May 4 po kami na forrowing pen at 10 impitan.
Sana po matulungan nyo ako dito.
Salamat
Jim