Hello po sa inyong lahat,
Gusto ko pong mag-alaga ng baboy at manok, wala po akong alam na kahit na ano tungkol sa pag aalaga ng mga ito.
Gusto ko pong may mapuntahan ang aking hard earned money at ito ang naisip kong magandang i-negosyo.
Taga Batangas po kami at ayon po sa mga kapitbahay namin ay pwedeng pwedeng mag alaga ng mga baboy at manok dito.
Paano po ba magsimula ng babuyan at manukan?
san po ba magandang bumili ng mga pasimulang baboy at manok?
paano po ba mag alaga ng mga ito?
magkano po ba ang dapat na capital, mula po sa pinakamababang capital?
paglumaki na po ang mga alaga ko, saan po ba pwedeng ibenta ang mga ito?
pwede nyo rin po ba akong bigyan ng kopya ng tungkol sa pag aalaga ng baboy at manok?
Salamat po sa inyo tungkol at makakatulong po ito ng malaki sa aming future.