Gudpm doc. Baguhan po ako sa pag-aalaga ng baboy. Bale nakabili na ako ng 2 dumalaga at 2 inahin n. Totoo po bang wala talagang farm na nagbebenta ng inahin talaga kung di dumalaga palang na palalakihin mo pa? May nakapagtip po sakin na 1 farm na nagpupull out na ng mga inahin kase pinaalis na sila doon ng myari ng lupa. Nakabili ako sa kanila kahapon ng 2 inahin na buntis na. Ang 1 ay nakaanak na ng 2x, yung 1 naman ay nakaanak na ng 3x. Malaking inahin ang nakuha ko. Pano po kaya malalaman kung matanda na ang 1 inahin? Kase yung 2x na nanganak ay mukhang mas matanda kaysa 3x na nanganak. Maayos po ang tindig nya at mukhang malakas pa. Iba ang kanyang pagkabalahibo makapal(kaya ko nasabing parang matanda na) kumpara sa 1 na kapit pa sa balat. Sana matulungan nyo po ako. God bless more power...