Author Topic: sakit ng baboy  (Read 18366 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Marienil

  • Guest
sakit ng baboy
« on: January 15, 2011, 08:34:50 AM »
meron pong baboy yong auntie ko..buntis na po at all of a sudden nag bleeding po at hindi na kumain...after ilang oras po, namatay na..ano pong sakit iyon?

nemo

  • Guest
Re: sakit ng baboy
« Reply #1 on: January 16, 2011, 12:49:38 AM »
bleeding? sa ilong, mata, bibig. puwet, ari? san po ba?

Darkbraveheart

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: sakit ng baboy
« Reply #2 on: February 04, 2011, 04:17:21 PM »
magandang araw po doc..may gusto lang po sana akong itanong..ano po ang dahilan ng pagiging basa ang tae ng biik ko..at ano po ang magandang gamot para dto

nemo

  • Guest
Re: sakit ng baboy
« Reply #3 on: February 05, 2011, 04:32:53 AM »
it would range from bacterial/ viral, nutritional, enviromental etc....

You need rule out muna kung alin ang problem at saka mo ito icocorrect.

as a temporary remedy put uling sa kulungan nila let the pig nibble on it para maibsan ang pagdudumi ng basa ng kanila baboy.

then correct kung ano man sa tingin nila ang cause ng pagtatae. baka dahil malamig lang sa kulungan ng baboy nyo kaya sila nagtatae

lito3115

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
    • View Profile
Re: sakit ng baboy
« Reply #4 on: March 28, 2011, 07:41:35 PM »


Doc, last year po nagkaroon ako 3 fattener 80 days old bigla po huminang kumain nag black and blue hanggang mamatay sila,,,ano po ang pobable na naging sakit nila...

salamat po, God bless

nemo

  • Guest
Re: sakit ng baboy
« Reply #5 on: March 29, 2011, 03:38:54 AM »
Black and blue, usual suspect hog cholera.


Pero minsan ang pagiging black and blue ng animal is dahil din hirap sila humina, respiratory problem o kaya naman naheheat stroke na sila. sa sobrang init hindi sila makahinga. kaya nagblablack and blue.

Kung ang nagblack and blue ay ang tenga at abdominal and legs area mas malamang hog cholera.

lito3115

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
    • View Profile
Re: sakit ng baboy
« Reply #6 on: March 30, 2011, 05:40:30 AM »


sa case po bang ito nagtatae din po ba sila? yun pong amin nag tae din kasi...

salamat po,

Gog bless

nemo

  • Guest
Re: sakit ng baboy
« Reply #7 on: March 31, 2011, 07:44:37 AM »
opo meron din

erik_0930

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 186
    • View Profile
Re: sakit ng baboy
« Reply #8 on: April 18, 2011, 01:06:31 AM »
Doc, Merun ako isang biik bale 40 days na siya, nangalisag ang balahibo at nagkulay blue/violet at nangingitim ang nguso at batik batik n kulay itim sa tenga, 2 days na hindi kumain tapos ngayun kumain na on the 3rd day saksak namin Hog cholera vaccine.....anu po ba signs ng sakit na ito...hog cholera po ba?

nemo

  • Guest
Re: sakit ng baboy
« Reply #9 on: April 18, 2011, 05:26:39 AM »
nag saksak sila sa animal ng hog cholera?

Possible na hog cholera, prrs, APP, mycoplasma  ...  pero assume na lang muna natin as hog cholera...
ano po ba ang nabigay na nila na antibiotic?

erik_0930

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 186
    • View Profile
Re: sakit ng baboy
« Reply #10 on: April 18, 2011, 06:07:18 AM »
Hindi ko alam doc kung anung klase ng antiobiotic isinaksak nung 2nd day, at 3rd day nag inject na kami ng hog cholera vaccine. sana nga po gumaling kc kumakain na kahit paunti unti, inalis na namin sa loob ng pen at inilipat na namin sa ibang lugar 1000 meters away baka po kc mahawa pa yung iba.

laguna_piglets

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 246
    • View Profile
    • Laguna Piglets Multiply Site
Re: sakit ng baboy
« Reply #11 on: April 18, 2011, 02:28:41 PM »
Doc Nemo

Naka kita na ho ba kayo ng biik ng ipinanganak ang sakit na tinatawag EPITHELIOGENESIS IMPERFECTA??

Recent lang lang January nagpaanak kami non. May isang biik ganun ang case.. Grabe ang pagkawala ng balat.. Halos buong likuran ng biik walang balat.. 5days lng po nabuhay ang biik, akala namin mabubuhay tlga kasi malakas dumede sa inahin..  Sa loob ng 8years namin s pig business ngayon lng namin na experience ang ganon.. At itong MARCH lng namin nalaman ang tawag sa ganoong kaso..
Continuous stocks of piglets
Calamba, Laguna


E-MAIL & ADD us on FACEBOOK:   laguna_piglets@yahoo.com

lito3115

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
    • View Profile
Re: sakit ng baboy
« Reply #12 on: July 11, 2011, 04:42:57 AM »


Doc, may inahin akong nanganganak kahapon isa lang ang nailabas dahil dinukot sa pag ire ng inahin meron parang atay na lumalabas at yun natitira ng biik hindi maabot hanggang mamatay ang inahin...ano po naging problema...

Lito

mikegwaps

  • Guest
Re: sakit ng baboy
« Reply #13 on: July 11, 2011, 05:12:30 AM »
ouch! suffocation kaya doc?

nemo

  • Guest
Re: sakit ng baboy
« Reply #14 on: July 12, 2011, 05:37:23 AM »
malamang dahil bumara yun isang biik kaya po medyo pumutok /nagrupture yun matress niya kaya namatay ang inahin....

Kung hindi maabot nung dumudukot usually ang ginagawa namin is naghahanap kami ng taong mas payat ang braso at masmahaba para baka sakaling maabot yun nakabarang biik....

Nanecropsy ba nila ito after mamamatay?