Doc, curious po ako, more than 40 days na po after artificial insemination ung isa kong sow....then suddenly po bigla sya naglandi ulit....ano po kaya yung possibility na naging problema nya..thanks
Usually kasi ang observation ng reheat is 21 days and 42 days. Yun nagreheat ng 42 days it means kahit papaano nagbuntis naman siya although konti yun naipagbuntis at kung minsan kapag tinamaan ng simpleng sakit or hindi malakas ang kapit ng ova namamatay ito which will result sa termination ng pregnancy. Meron din times na from the beginning hindi siya nagbuntis talaga at natagalan lang ang pagrereheat.
Alaga lang lagi sa pagkain, vitamins and iwas stress nalang sa animal. Yun simpleng nabubulabog sila dahil labas masok ang tao sa kulungan ay maaari mag cause ng stress sa animal.
-------------------
rickyricks
sa mga big poultry/ agrivet supply meron po ng mga gamit for this. Yun iba po sa Jeida sa delmonte bumibili