Doc,
ano po b ang cause ng konti lang ang biik ng inahin? may inahin po ako kahapon lang nanganak 3rd parity and 7 lang ang biik (normal mating po ito). nung 2nd parity ay 6 lang din (normal mating din). pro pinagtataka ko po kasi nung 1st parity nya ay 13 naman po ang biik ( AI po ito). tinanong ko po ung may.ari ng barako kng may problema b s alaga nya sabi nya marami naman daw ang inaanak nya sa ibang inahin na siniserbisyohan nya. may sinusunod naman po akong feeding and medication program sa inahin. eto po un ginawa ko doc.. ang latest ko po na ginawa s inahin ko nung 5days after weaning ay ng.inject ako ng ADE and B-complex sa umaga den pagkahapon ay nagsimula po syang mgheat den kinabukasan sa hapon ay na.breed n po sya den inulit ang breeding sa sumunod na araw kinaumagahan. nabuntis naman po kaso nga lang ay 7 lang ang biik. ano po kaya ang posibleng dahilan dito?
isa p po tanong ko doc, yung proper timing ng insemination sa AI applicable din po ba yun sa normal mating? kasi may nabasa po akong AI handbook na ang ovulation daw po ay nangyayari after 36 hours ng standing heat. halimbawa po doc kung ang inahin ko ay nagsimulang mgheat mga ilang araw po b afterwards ang true standing heat? and kung sa normal mating kung halimbawa ay pumayag na na magpasampa ang inahin yun na ba yun? wala n bang timing2? ilang beses po ba na pasampahan ang inahin and ilang oras ang interval? sa barako po pwede po ba na gamitin ang barako 2beses na magkasunod na araw na hindi nababawasan ang semen volume?
sensya na doc ang dami kong tanong
ps. nakaranas din po ng uterine infection ang inahin ko after ma.AI (supposed to be 2nd parity) kaya hindi ko na pinaulit. nagamot ko naman po using Oxytet. hindi po ba nkpagpababa ng fertility ang nakaranas na ng infection na inahin? tnx po doc in advance