once nanganak na hindi na po gilt ang tawag, sow na po..
sa sow mas adviseable kasi na a few days before weaning mag unti ka ng feeds. Ang reason is gusto mo saidin ang gatas ng baboy para hindi maging cause ng mastitis kapag bigla ka nagwalay at walang dumede dito. Also, gusto mo din konti na lang ang gatas ng baboy para mag mapagtuunan ng pansin ng biik ang feeds.
Saka po sa dami ng pinapakain mo sa kanila during the lactation period, mas malamang dapat na in good condition sila to the point na hindi na necessary ang flushing.