Author Topic: Proper Feeding  (Read 140807 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

abej

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile
Re: Proper Feeding
« Reply #165 on: September 23, 2011, 08:26:48 AM »
doc nemo, tanong ko lang po kung pano pala ang proper feeding stages ng gagawin kong gilts. Kapag 4 months po ba ay dpat nakapili na ako, and dpat po ba ihihiwalay ko na sila? Ano na po ang ipapakain ko after finisher? Thanks a lot po sa mga inputs doc, plano ko na po ksi mag inahin sa mga fatteners ko ngayon.

laguna_piglets

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 246
    • View Profile
    • Laguna Piglets Multiply Site
Re: Proper Feeding
« Reply #166 on: September 23, 2011, 12:51:00 PM »
Anong gamit mong feeds??

Kung ang alaga natin ay gagawin nating gilt/sow hindi na advisable mag finisher feeds.
Merong ibang feeds company after gumamit ng starter deretso na sila mag gilt developer feeds hindi na rin nila pinapakain ng grower-finisher.
Continuous stocks of piglets
Calamba, Laguna


E-MAIL & ADD us on FACEBOOK:   laguna_piglets@yahoo.com

abej

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile
Re: Proper Feeding
« Reply #167 on: September 24, 2011, 05:57:25 AM »
thanks sa reply bro. purina feeds ang gamit ko ngaun e. nsa starter stage pa lang ung mga gagawin kong gilt. how bout sa paghihiwalay bro, dpat ba one is to one na agad ang pen ng bawat isang ggawin kong gilt or pwede ko muna sila pagsamasamahin? target ko kasi bro, 5 gilts na start ko. Lesser ba bro ang cost ng pag maintain ng sows unlike fatteners?  Maraming slamat sa inputs bro.

laguna_piglets

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 246
    • View Profile
    • Laguna Piglets Multiply Site
Re: Proper Feeding
« Reply #168 on: September 24, 2011, 08:08:53 PM »
Pwde mo naman sila ipag sama sama until 6-8months until 3rd heat. after mabulog pwde na itransfer sa gestating pen.
Continuous stocks of piglets
Calamba, Laguna


E-MAIL & ADD us on FACEBOOK:   laguna_piglets@yahoo.com

streak417

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #169 on: October 18, 2011, 11:02:37 PM »
Dalawang paraan ng Pagpapakain:
1. Restricted= may oras at dami ang ibinibigay kada pakain.
2. Ad libitum: ang baboy ay nakakain ng kahit anong oras at kahit gaano karami ang gusto nito.

Karaniwang gawain sa backyard:

Ang biik na dumedede pa sa inahin ay tinuturuan kumain sa edad na 3 araw.
Kumuha ng feeds na pangkulig at ito ay basain at durugin. Itong nadurog na feeds ay siya naman ipapahid sa dede ng inahin. Ito ay ginagawa upang masanay sa lasa ng feeds ang mga kulig. Gawin ito mga 3 araw.

Maglagay din ng kaunting pagkain sa kanilang pakainan (mga kalahating dakot ng feeds) at kada araw ito ay damihan hanggat kayang ubusin ng kulig. Palagian ang pagbibigay ng pagkain sa mga ito.

Pag ang mga kulig ay bagong walay ang pagpapakain ay ginagawa 3 beses isang araw. Sa bagong walay mga 0.5-1 kilo kada baboy sa isang araw ang kaya nilang ubusin o kada kainan kailangan ng 333grams na pakain bawat isa. Pero sa umpisa ay maaari hindi nila ito agad maubos kaya mas magandang untian muna ito.

sa starter stage ang kaya nilang ubusin ay 1-1.5 kg per day, grower 1.5-2.5 kg at finisher 2.5 - 3 kgs.

Halimbawa:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter               1- 1.5                          3                          333- 500  grams
grower               1.5- 2.5                       3                            500-833 grams
finisher               2.5-3                          3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.

Ang nabanggit ay halimbawa lang at ang dami ng pakain ay ibatay sa rekomendasyon ng feed company  na inyong ipinapakain. Tandaan na sa baboy hindi na baleng sobra sa pakain wag lang kulang.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

uri ng pagkain           edad           dami ng pakain           kabuuang dami ng pakain
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         
----------------------------------

english version


Two ways of feeding:
1.   Restricted: the amount and time of feeding is controlled/defined.
2.    Ad libitum: animal have unlimited access to feed.

Usual Backyard Practice:

Sucling piglets are trained to eat feeds at the age of 3. Feeds is poured with liquid and mashed and applied to the mammary of the sows. This is done to accustomed the piglet to the taste of the feeds.

You need to put small amount of feeds in the feeding trough (Half-fist full). And every day gradually increase it up to the point that they can eat it all. You have to put feeds often.

When the piglet is weaned feeding is done 3 times a day . Weaned pig can eat 0.5- 1kg s of feed everyday or every feeding they need around 333 grams each.  But at first usually they cannot eat it all so you need to lessen it at first.

At starter stage a pig can consume 1-1.5 kgs of feeds per day, grower 1.5-2.5 kgs and at finisher 2.5-3 kgs.

Example:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter                1-1.5                          3                           333-500  grams
grower                1.5-2.5                       3                            500-833 grams
finisher                2.5-3                         3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.


The above mentioned are examples and the amount of feeds to be given should always be based on the feed manufacturers suggestion.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

Type of feeds           age               feed consumption/day          total feed consumption
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         



Hello doc Nemo.. I'm just a newbie when it comes to hog raising.. Pasenxa po kng mejo basic lng questions ko..

Anyway.. Gusto ko po e clarify kng bakit until 150 days po ang feeding program? By this age, aabot ba po ba sa target weight na 80-85Kg(theoretically)?

Dun po kasi sa nabigay nyo na manual, hanggang 28 weeks ang feeding. Tapos kng 150days(so approx. 21 weeks), according sa table, 60-65Kg lng po
ang liveweight..

Pwde nyo po ba ma clarify kng ano pa yung tamang estimates ng age ng pigs/liveweight?

Thank you po in advance.

nemo

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #170 on: October 19, 2011, 05:37:09 AM »
kpag commercial feeds kasi mas mabilis yung pag laki compared sa nag hahalo o kaya puro raw mats and tira tiraang pinapakain.

so 150 days more often than not kaya yan 80 kgs above sa commercial feeding.

streak417

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #171 on: October 19, 2011, 06:07:53 PM »
Thank you sir.. More Power!

bandang_norte

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: Proper Feeding
« Reply #172 on: October 20, 2011, 10:51:14 PM »
nababasa ko sa internet ilang hog raiser ay grower na yung pinapakain hanggang ibenta... hindi na ginagamit yung finisher.


tanong ko lang po kung ano yung advantage at disadvantage ng ganitong systema na pakain??


salamat

nemo

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #173 on: October 21, 2011, 04:20:56 AM »
advantage --- malakas lumaki baboy kung maganda genetics

disadvantage -- pag mura presyo ng baboy  malamang malulugi ka

bandang_norte

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: Proper Feeding
« Reply #174 on: October 22, 2011, 11:41:50 PM »
maraming salamat po sa pag reply...


pasensya at i confirm ko lang. ang advantage lang po ng finisher ay para lang makatipid?? wala na pong advantage ang pag gamit nito pag dating sa quality ng karne at sa timbang??

salamat ulit.

nemo

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #175 on: October 23, 2011, 02:32:32 AM »
ay finisher is para gumanda din ang karne ng animal.

katulad ng sabi ko kanina kapag maganda genetics mo kahit hindi ka magfinisher ok lang kasi lalaki pa ang animal at hindi tabain.

ang problem kasi sa mga animal na hindi kagandahan ang genetics kapag nagtuloy tuloy ka na grower ang nangyayari tumataba ang baboy.

bandang_norte

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: Proper Feeding
« Reply #176 on: October 24, 2011, 06:03:01 PM »
maraming salamat po dr nemo.

Myato

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #177 on: November 17, 2011, 06:49:37 PM »
hello,first time ko po mag post, meron po kami inahin na baboy bagong panganak ayaw magpasuso at nangangagat, dahil dito yung mga biik o anak na 11 ay namatay lahat, paano po ba ang dapat gawin kung maulit ang ganitong insidente? tama po ba na kung ang baboy ay may lahing pietrain ay talaga po ba'ng nangangagat sa mga unang araw ng pagpapasuso? sana po ay mabigyang kasagutan ang aking katanungan...magandang araw po at pagpalain nawa ng maykapal, salamat po.

nemo

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #178 on: November 19, 2011, 07:18:02 PM »
welcome sa forum,

meron pong mga tranquilizer na pwedeng mabili sa mga store tulad ng stresnil. Pang pakalma ito ng animal

kung wala nito yun ibang mga raiser gumagamit ng gin. pinapainom ng konti yun inahin mga less than 1/4 bottle nun maliit na bilog pra kumalma , medyo matulog at magpadede ito. then after a day usually kinabukasan nagpapadede na ang inahin.


mikegwaps

  • Guest
Re: Proper Feeding
« Reply #179 on: November 20, 2011, 07:51:51 AM »
doc, subok ko yung matador mas gusto kesa sa gin blue.  ;D