doc question ko lang about insemination:
1.
laging sinasabi sa pagbubulog is about TIMING. nakitaan naman sya ng signs like submmissive na sa boar. bakit nagrereheat pa rin? if it is timing then maybe lets base sa mucus na lumalabas. there are two types, ung kulay alaska condensada na puting mucus or clear mucus stage na. alin man sa dalawang stage na to submissive na ang sow dyan. alin po dyan ang the best time to mate? sometimes rin, after nong kulay gatas, malilipasan na agad. ;-( ibig bang sabihin nito its better na pabulugan ang sow once a day in 4 consecutive days para matyambahan mo ung timing na sinasabi nila?
2.
ung sow ko na naka 2 parity na, puro normal bulog ang ginamit sa kanya. now lang sya isinabak sa AI. nalaman ko lang na silent heat sya dahil dinala ko ung teaser boar sa unahan ng pen then sumakay ako sa likod nya. di na sya gumalaw and that very moment then may umagos na clear mucus sa ari nya na di mo madetect kahit fingerin mo ng walang teaser boar. tumawag agad ako ng AI.noong hapon, sinumpit na sya.pero magalaw sya, urong sulong, parang nangangati na inihahampas o paikot ikot ung buntot nya don sa sumpit. pero pag bibigyan mo ng back pressure titigil sya at tahimik normal ba to? kc ung ibang sinumpitan tahimik naman even walang back pressure. im worried lang kase ung isang dumalaga ko na ganito rin ang reaction sa sumpit ay nag-reheat. pero sa 2nd sumpit, tahimik na lang sya. these are important notes sa AI if ready na ba ang sow even its acting uneasy habang sinusumpit.
3.
ang pagbulog po ba ng maraming beses say 4 consecutive days can add more piglets? kase if capable ang sow na manganak ng 20 piglets at 12 lang normally ang success na nabuo sa unang bulog, madaragdan ba ito sa second bulog, or 3rd and so on? if not, it means ba na close na ang conference room after success bulog kahit pa pabulugan mo ng many times hehehe! literally!