1
SWINE / Re: Tanong... RECORD KEEPING
« on: August 30, 2010, 02:57:33 AM »Una dapat magkaroon kayo ng record ng inahin.. Bawat isang inahin meron sariling record. Sa record na ito nakasulat ang vaccination niya at breeding records. Yun dati namin gamit parang flashcard na malaki, sa harap nakasulat kung kelan siya nabreed, kelan tentative manganganak or mag heheat etc. Kelan nanganak, ilan ang anak at ilang ang nawalan. Kasama din sa recod kung sinong barako ang nagbreed sa kanya.... So every time na ibreed siya isusulat nyo dun yun details.
THen sa fattening naman if possible every pen ay masariling record. Mas madali magrecord kung automatic feeder kayo. Kasi ang ililista mo lang is kung ilang feeds ang naubos ng kulungan na yun. Dahil nga automatic feeder sila pwede kayong maglagay ng isang sako ng feeds lagi.
I would try to find a sample breeding record. Meron kasi ako dati nun kaso nawala ko na.
Sana mahanap nyo Doc malaking tulong, pero parang me idea na rin po ako sa sinasabi ninyo. Salamat.
Paki-endorse naman po ako sa mga kakilala ninyong manghuhuli o hauler. Thank you po in advance !