Enter your search terms
Submit search form
Web
pinoyagribusiness.com
Pinoyagribusiness
November 09, 2024, 03:37:19 AM
Welcome,
Guest
. Please
login
or
register
.
1 Hour
1 Day
1 Week
1 Month
Forever
Login with username, password and session length
News
: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
Home
Forum
Help
Search
Login
Register
Pinoyagribusiness
>
Forum
>
LIVESTOCKS
>
SWINE
>
Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
Pages:
1
2
[
3
]
4
« previous
next »
Print
Author
Topic: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim (Read 23905 times)
0 Members and 5 Guests are viewing this topic.
aleckxis
Newbie
Posts: 17
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #30 on:
April 04, 2010, 08:27:26 PM »
Quote from: Jasper on December 14, 2009, 03:39:09 PM
Any up-coming seminars for the year 2010?
Sana meron as early as January, to start the year right. I'm planning to start a backyard hog raising business as well.
Doc, any schedule for Bacolod City area this summer? I am so interested to attend exclusively for Hog Raising because I already started raising pigs 10 days ago for 10 heads.
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
Posts: 6245
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #31 on:
April 05, 2010, 07:21:44 PM »
Try to Private message the thread starter about schedules.
Logged
No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
pig_noypi
FARM MANAGER
Full Member
Posts: 115
Certificate on Natural Farming System July 19 - 24 2010 - You are invited
«
Reply #32 on:
June 03, 2010, 12:33:24 PM »
Certificate on Natural Farming System July 19 - 24 2010
Location Davao City
Registration fee: P5000
Inclusive of food board and lodging manual & CD
July 19 to 24, 2010
July 19 Arrival of participants
Dinner
July 20 to 23 Lecture & field work / hands on
July 24, 2010
Breakfast and Visit to farms practicing organic/natural farming on rice Tugbok, Los Amigos
Departure of participants
Day 1 Lecture
• Overview and expectation setting
• Introduction to Natural Farming and Organic matters
• Concept and principles of natural Farming
• Video presentation of Janong Institute
How to collect and prepare the materials on NF with hands on (do it your self) extracts from plant, animal and mineral sources for foliar fertilizers, insecticides and fungicides:
1. Indigenous Micro-Organism (IMO)
2. IMO 5 (basal fertilizer)
3. Fermented Plant Juice (FPJ)
4. Fermented Fruit Juice (FFJ)
5. Fish Amino Acid (FAA)
6. Lactic Acid Bacteria Serum (LABS)
7. Oriental Herbs Nitrates (OHN)
8. Water soluble Calcium Phosphate from animal bones
9. Calcium from eggshell
10. Natural Attractant – aromatic, light trap and color trap
11. How to make virgin coconut oil
Day 2 Lecture
1. Application seeds and seedlings treatment
2. Soil management - improving soil
3. Managing nutritive cycle and period theory of plants
Field demonstration
1. Plot design – vegetable garden
2. Making of carbonized rice hull or CRH
3. Transplanting techniques
Day 3 Livestock - Swine and Chicken
1. Principle and benefits of NF piggery and poultry
2. Concept and methodology of housing and bedding design
3. Concept and principles of NF livestock
4. Managing nutritive cycle theory for livestock
5. Preparing and designing formulation of feeds
6. Care and management of animal
Hands on and demonstration:
• concoction making and feed mixing
• bedding's
Day 4 Harvesting IMO5 - troubleshooting
A 10 day composting without turning the pile
Harvesting Virgin coconut oil
SALT 1 How to use “A” frame
Contouring / tree planting
Limited participants - please text 09176261955 for more information.
«
Last Edit: June 05, 2010, 02:53:01 PM by pig_noypi
»
Logged
Marina1972
Newbie
Posts: 13
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #33 on:
June 28, 2010, 09:12:51 PM »
Sir Pig_Noypi,
Gusto ko pong malaman kung meron na kayong advance schedule?
Sa October po sir.
Thanks.
Logged
molave
Newbie
Posts: 40
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #34 on:
July 14, 2010, 09:20:45 PM »
Sir pig_noypi
Sa an po ba ako pwding maka kuha copy ng mga handouts or CD ng Seminar ni Mr. Andy Lim about natural Farming? Sir im very interested in raising swine and cattle the natural way my only problem is i dont have any references or mga reading materials and i seldom attend seminars and trainings.
Logged
pig_noypi
FARM MANAGER
Full Member
Posts: 115
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #35 on:
July 15, 2010, 12:06:26 PM »
One day Orientation on Natural Farming System at Flor’s Garden Antipolo
August 14, 2010 Natural Farming Seminar at Flor's Garden
Please get in touch with Fely of Flor's Garden. Fee is P1,5000 inclusive of meals, Manual and DVD!
Flor's Garden in located in Sitio Tanza, Brgy. San Jose Antipolo City. From Marcos hi-way po going to cogeo / gate 2 market derecho to boso-boso hiland resort, and we are before Paenaan. We are near Touch of Glory Prayer Mountain.
For those interested, you may register thru me, and for more information, our contact number is 635-6092 to 94. Or cell number 09195567121.
«
Last Edit: July 15, 2010, 12:08:05 PM by pig_noypi
»
Logged
vicespero
Newbie
Posts: 1
Re: Certificate on Natural Farming System July 19 - 24 2010 - You are invited
«
Reply #36 on:
August 13, 2010, 12:03:34 PM »
We will be using this Natural Farming System Inputs to integrate sa project namin sa community development sa isang village dito sa cambodia. Meron sana akong itanong ano ba yong ihalo input sa seed & seedling treatment (SST) na 3 litro daw na tubig, then 2 tbsp na FPJ and 2 tbsp na pambaskog sa tanom,
ano ba itong pambaskog sa tanom?
ano urea o ano? I will appreciate if anyone can help. Thanks.
Vicespero
Quote from: pig_noypi on June 03, 2010, 12:33:24 PM
Certificate on Natural Farming System July 19 - 24 2010
Location Davao City
Registration fee: P5000
Inclusive of food board and lodging manual & CD
July 19 to 24, 2010
July 19 Arrival of participants
Dinner
July 20 to 23 Lecture & field work / hands on
July 24, 2010
Breakfast and Visit to farms practicing organic/natural farming on rice Tugbok, Los Amigos
Departure of participants
Day 1 Lecture
• Overview and expectation setting
• Introduction to Natural Farming and Organic matters
• Concept and principles of natural Farming
• Video presentation of Janong Institute
How to collect and prepare the materials on NF with hands on (do it your self) extracts from plant, animal and mineral sources for foliar fertilizers, insecticides and fungicides:
1. Indigenous Micro-Organism (IMO)
2. IMO 5 (basal fertilizer)
3. Fermented Plant Juice (FPJ)
4. Fermented Fruit Juice (FFJ)
5. Fish Amino Acid (FAA)
6. Lactic Acid Bacteria Serum (LABS)
7. Oriental Herbs Nitrates (OHN)
8. Water soluble Calcium Phosphate from animal bones
9. Calcium from eggshell
10. Natural Attractant – aromatic, light trap and color trap
11. How to make virgin coconut oil
Day 2 Lecture
1. Application seeds and seedlings treatment
2. Soil management - improving soil
3. Managing nutritive cycle and period theory of plants
Field demonstration
1. Plot design – vegetable garden
2. Making of carbonized rice hull or CRH
3. Transplanting techniques
Day 3 Livestock - Swine and Chicken
1. Principle and benefits of NF piggery and poultry
2. Concept and methodology of housing and bedding design
3. Concept and principles of NF livestock
4. Managing nutritive cycle theory for livestock
5. Preparing and designing formulation of feeds
6. Care and management of animal
Hands on and demonstration:
• concoction making and feed mixing
• bedding's
Day 4 Harvesting IMO5 - troubleshooting
A 10 day composting without turning the pile
Harvesting Virgin coconut oil
SALT 1 How to use “A” frame
Contouring / tree planting
Limited participants - please text 09176261955 for more information.
Logged
pig_noypi
FARM MANAGER
Full Member
Posts: 115
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #37 on:
August 13, 2010, 03:39:40 PM »
Praymer sa Paggawa ng IMO o Indigenous Micro Organisms
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
a. Nagpapasagana ito ng sustansya ng lupa
b. Pinabibilis nito ang pagkabulok ng compost
c. Meron nito sa lupa ngunit unti-unting nawawala sa maraming dahilan
Paraan ng Paggawa ng IMO:
1. Maglagay ng isang kilong (1 kg) kanin sa isang kahoy na may 8 ½ “ x 11” x 3” amag laki o isang maliit na putol ng kawayan na bukas.
2. Takpan ang kahon o kawayan ng malinis na papel at talian ito.
3. Takpan rin ng plastic para hindi makapasok ang tubig-ulan, insekto at maliliit na hayop.
4. Tanggalin matapos ang tatlong (3) araw. Sa pagkakataong ito, may mga namumuo nang amag sa ibabaw ng kanin.
5. Ilagay sa lilom ng kahuyan o kawayanan o di kaya’y tabunan ng bunot ng niyog.
6. Ilagay sa isang palayok ang inamag na kanin at haluan ng isang (1) kilong ulang asukal.
7. Takpan ang palayok ng malinis na papel, talian ang takip. Ilagay sa isang malamig at malilom na lugar. Pagkalipas ng pitong (7) araw ay magtatamo ito ng malaputik na katas. Ito ang tatayong katas ng inyong IMO.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng IMO:
1. Haluan ng dalawang (2) kutsarang katas ng IMO ang isang (1) litrong tubig.
2. Ipandilig ito sa lupa at mga halaman.
Praymer sa Paggawa ng FPJ o Fermented Plant Juice
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
a. Tumatayong pagkain para sa mga IMO.
b. Pinagbubuti ang paglaki ng mga halaman
c. Nagpapatingkad ng mga lungting dahon o nakapagpapaigi ng “photosynthesis”.
Paraan ng Paggawa ng FPJ:
1. Bilang sangkap, pumutol ng isang puno ng “Cardaba” variety ng saging. Maari din gamitin ang talbos ng kamote, kangkong, alugbati o ng labong.
2. Tadtarin ang dalawang (2) kilo ng napiling sangkap at haluan ng isang (1) kilong pulang asukal.
3. Ilagay ang lahok sa palayok at patungan ng bato upang sumiksik ang pataba. Iwan nang ganito sa loob ng isang araw.
4. Tanggalin ang bato at takpan ang palayk ng malinis na papel at talian. Hayaang maburo ng pitong araw.
5. May makukuhang ½ litrong katas mula sa binuro.
6. Ipandilig sa lupa at sa dahon. Maari rin inumin g tao bilang pampalusog. Ito ay tumutulong sa pagdami ng IMO.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng FPJ:
1. Kumuha ng dalawang (2) kutsara ng katas at haluan ng isang (1) litrong tubig.
2. Ipandilig sa lupa kasama ang katas ng IMO isang beses kada linggo.
Praymer sa Paggawa ng FFJ o Fermented Fruit Juice
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagpapatamis ito ng mga prutas sa pamamagitan ng pagdagdag sa potassium.
Paraan ng Paggawa ng FFJ:
1. Talupan at tadtarin ang isang (1) kilong hinog na prutas (huwag isama ang balat at buto). Maaaring gamitin ang mangga, saging, papaya at abukado Maari din ang magulag na kalabasa.
2. Ilagay ang tinadtad na prutas sa palayok at haluan ng isang (1) kilong pulang asukal.
3. Takpan ng malinis na papel at talian. Ilagay sa malamig at malilom na lugar. Hayaag maburo ng pitong (7) araw.
4. Makakagawa ng dalawa at kalahating (2 ½) litro ng katas.
5. Ipandilig sa mga dahon at sa lupa. Maari dinitong inumin.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng FFJ:
1. Kumuha ng dalawang (2) kutsarang katas at haluan ng isang (1) litrong tubig.
2. Ipandilig sa lupa at sa mga dahon kasama ng IMO at FFJ.
Praymer sa Paggawa ng OHN o Oriental Herbal Nutrient
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagbibigay ito ng proteksiyon upang makaiwas sa sakit ang mga pananim.
Paraan ng Paggawa ng OHN:
1. Magtadtad ng limang (5) kilong luya o bawang.
2. Ilagay sa garapon. Lagyan ito ng beer hanngang sa ikatlo (1/3) ng garapon.
3. Makalipas ang labindalawang (12) oras ay maglagay ng isang (1) kilong pulang asukal. Hayaang maburo ng apat o hanggang limang (4-5) araw.
4. Sundan ang mga ito kapag handa na ang buro:
* Lagyan ng gin hanngang umabot sa leeg ng garapon. Pabayaan ng sampung (10) araw.
* Matapos ang sampung araw, kumuha ng sabaw na kasing dami ng gin na inilagay.
* Ulit-ulitin ang letrang “a” at “b” hanggang sa umabot ng limang (5) ulit.
* Sa ika-apat at ika-limang ulit ay samahan ng dinikdik na sili, panyawan, at bunga ng “neem” ag gin upang tumapang ang gamot.
5. Ipandilig sa mga halaman kasama ang IMO, FFJ at FPJ kada lingo. Kapag nanghihina ang mga tanim o kapag nagsisimula nang mamulaklak.
Paraan ng Paggamit ng Katas ng OHN:
Ihalo ang dalawang (2) kutsara ng OHN sa isang (1) litro ng tubig. Ipandilig sa lupa at mga dahon kasama ang ang IMO at FPJ kada lingo.
Praymer sa Paggawa ng FAA o Fish Amino Acid
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagpapalagom ng nitrohina (nitrogen) sa lupa
Paraan ng Paggawa ng Fish Amino Acid:
1. Maglagay ng ilang isda, tinik, bituka, hasang at balat, o suso sa isang lalagyang plastic. Haluan ng kasindaming pulang asukal.
2. Takpan at ilagay sa isang malamig at malilom na lugar. Hayaang maburo ng sampung araw at kunin ang katas.
3. Ihalo ang dalawang (2) kutsara ng katas sa isang (1) litrong tubig. Ipandilig sa halaman, lupa at compost.
Praymer sa Paggawa ng Calcium Phosphate
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Tumutulong sa pamumulaklak ng mga pananim.
Paraan ng Paggawa ng Calcium Phosphate:
1. Magpakulo ng dalawang (2) kilong buto (ng hayop) hanggang matangal ang laman at taba. Pahanginan hanggang matuyo.
2. Ihawin ang buto hanggang mangulay uling. Hayaang lumamig pagkatapos
3. Ilagay sa plastic na sisidlan na may limang (5) galong sukang niyog (walang kulay). Takpan at pabayaan ng tatlumpung (30) araw bago gamitin.
Praymer sa Paggawa ng Calcium
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagpapatatag ng mga bulaklak.
Paraan ng Paggawa ng Calcium:
1. Magprito ng dalawang (2) kilong balat ng itlog hanging mangitim. Itabi muna nang sandali matapos i-prito at hayaang lumamig.
2. Ilagay sa sisidlang plastic ang mga napritong balat ng itlog at samahan ng limang (5) galon ng sukang niyog (walang kulay). Takpan ang sisidlan at pabayaan ng dalawampung (20) araw.
3. Ihalo ang dalawang (2) kutsarang katas na makukuha sa isang litrong tubig. Ipandilig ito sa halaman, lupa, at compost.
Praymer sa Paggawa ng Natural Attractant for Flying Insects
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Tumatayong pamukana ng mga lumilipad na pesteng kulisap.
Paraan ng Paggawa ng Natural Attractant for Flying Insects:
1. Magpakulo ng isang (1) galong sukang niyog na may kalahating (1/2) kilong pulang asukal. Hayaang lumamig at lagyan ng ikatlong (1/3) litro ng purong FPJ. Ilagay sa maliliit na sisidlan.
2. Magsabit ng ilang sisidlan sa mga punong kahoy na nagbubunga.
3. Magsabit din ng ilang sisidlan sa mga gumagapang na gulay.
4. Ilipat ang laman ng ilang sisidlan sa mas bukas na lalagyan at itabi ito sa gilid ng gulayan.
Praymer sa Paggawa ng Seed and Seedling Treatment
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Nagsisigurp sa magandang paglago ng mga halaman, dahil karamihan sa mga makabagong binhi ay mahihina. Sa pamamagitan ng Seed and Seedling Treatment, ang binhi ay magkakaroon ng makakaal na cotyledon na magpapatatag dito laban sa bulate. Gaganda rin ang paglago ng ugat na magpapalakas ng resistensya ng halaman sa sakit.
Paraan ng Paggawa ng Seed and Seedling Treatment:
1. Sa tatlong (3) litro ng tubig, ihalo ang
dalawang (2) kutsara ng lambanog
,
dalawang (2) kutsarang FPJ
, at
dalawang (2) kutsarang OHN
. Ilagay ang mga buto sa isang net bag o sa isang wine basket.
2. Ibabad ang mga binhi ditto sa loob ng apat hannganng walong (4-8) oras. Mas matagal na ibabad ang mga binhing mabagal sumibol. Siguraduhing Itanim ang mga binhi bago ito matuyo.
3. Huwag diligan ag mga punla dalawang (2) araw bago mag lipat-tanim. Ulitin ang timpla sa #1 at ibabad ang punla ng labinlimang (15) segundo; agad na maglipat-tanim pagkatapos.
4. Ipandilig ang matitira sa pinagbabaran ng mga halaman matapos silang itanim.
Praymer sa Paggawa ng BOKASI
Inihanda ni Mr. Jun Garde
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Isang mabisang pamamaraan ng pagpapabilis ng paggawa ng organikong pataba na sa loob lamang ng labing apat na araw maari na nating gamitin o I-aply sa bukirin.
Mga Sangkap na kailangang Ihanda:
* 15 Bags ng darak (rice bran)
* 30 Bags tae ng baka, kalabaw o ng manok
* 10 Bags ng carbonized rice hull (CRH)
* 10 Bags ng garden soil
* 3 Lata ng abo
* 3 kilong pulang asukal o molasses
* 3 litorng tuba o basi o sabaw ng buko
* 1 litrong IMO, FPJ, FAA, CALCIUM at FFJ
* 80 Litrong tubig
* 3 Beer Grande
Paraan ng Paggawa ng BOKASI:
1. Patag na lupa, o sementadong lugar ang kailangan
2. Unahin ang tae ng hayop, siguraduhing durog upang maging mas mabisa
3. Isunod ang darak (rice brand)
4. Pagkalipas ng isang halo, isunod ang garden soil at sinunog na ipa (abo)
5. Pagkalipas muli ng isang halo pagsabayang ipang-dilig ang tuba o basi
6. Samantalang ang IMO, FPJ, FAA, CALCIUM at ang pulang asukal o molasses ay magkasamang ihalo sa isang timbang tubig, para pandilig habang hinahalo ito
7. Kailangan mabasa ito hanggang 45% na pagkakabasa, para ito ay mabulok
8. Pagkahalo ng mga sangkap, ipunin ito ng pahaba sa sukat na 1.5 metro at sa lapad na 3-4 metro naman pahaba
9. Siksikin ito gamit ang pala at takpan ng plastic, pagkatapos mgalagay ng pabigat para hindi galawin ng hayop
10. Kailangan madalas ang paghahalo ng ginawang compost sa unang anim na araw, 2 beses kada araw
11. Pagkalipas ng 6 na araw, isang bese na lang ang paghalo hanggang umabot ng labing apat na araw
12. Pagkalipas, itusok ang iyong kamay upang malaman kung pwede na ito gamitin, pagka di na maiinit, pwede na ito i-aply sa bukid.
Paraan ng Paggamit ng BOKASI:
* Para sa gulay: isabay sa paghahanda ng pagtatamnam ang pagsabog ng bokasi
* Sa panahon ng paglipat sa gulay, isang latang bokasi ang kailangan i-apply sa kada puno
* Sa nature farming tekniks: ilubog ang puno, gulay o palay sa tubig na may halong OHN, FPJ, FAA bago ito itanim
* Kailangang sa pagpupunla palang ay maghalo na ng bokasi
Praymer sa Paggawa ng IBOF o Shizen Improved Bio-Organic Fertilizer
Ano ang IBOF?
* Ang SHIZEN IBOF ay isang uri ng “pinagbuting patabang bio-organic” mula sa mga nabubulok na mga bagay at hinaluan ng mga mabubuting mikrobyo.
* Mula ito sa mga ibat-ibang nabubulok na sangkap sa pamamagitan ng paggamit ng mga mabubuting mikrobyo, upang mapabilis ang pagkabulo ng mga ito at mapatay ang mga masasamang mikrobyo sa mga sangkap. Pagkatapos ay lalagyan natin ng mga fermenting agent.
* Ang “IBOF Technology” ay ginamit na ng mga benepisyaryo ng “Department of Agrarian Reform” (DAR) sa rehiyon 1, 2 at 4. Ito’y ginamit din ng Gawad Kalinga (GK) sa Robin Hood village, Valencia, Bukidnon at ng Microbiotech Farm sa Singapore.
* Napag-alaman na mas mabisa ang Improved Bio Organic Fertilizer (IBOF) kumpara sa ibang pataba tulad ng Control, chemical, organic at bio organic na mga pataba.
«
Last Edit: August 13, 2010, 03:52:14 PM by pig_noypi
»
Logged
pig_noypi
FARM MANAGER
Full Member
Posts: 115
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #38 on:
August 13, 2010, 03:41:06 PM »
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Ito ay hindi umaasa sa “nutrient composition” ng pataba, kundi sa kakayahan ng mga organismong sangkap nito. Ipang kumuha ng nutriheno mula sa hangin at dalhin sa mga ugat ng pananim. Mayroon din kakayahan ito na tunawin ang “bonded phosphorus” sa lupa upang mapakinabangan ng mga pananim. Hindi na kailangan gumamit pa ng kemikal na abono.
Paraan ng Paggamit ng IBOF:
PARA SA GULAY
Paghahanda ng Punla
* Maghalo ng “soil medium” (Lupa) (topsoil 75% / IBOF 25%)
* Pinuhin ang (TOPSOIL) bago ihalo
* Ilagay ang soil medium sa “Seedling tray”
* Itanim ang mga buto at diligan
* Palakihin ng 7 hanggang 14 na araw ang gulay at 28 hanggang 35 na araw ang prutas
PAGTANIM NG BUTO AT PAGLIPAT NG PUNLA SA TANIMAN
Para sa maliit na hardin
* Maghanda ng taniman (PLOT) kalahating metro ang lapad
* Ang taniman (PLOT) ay dapat may lalim na isang talampakan (1 FT)
* Ihalo ang lupang nahukay sa kasingdaming “COMPOST” (50% / 50%)
* Ibalik ang halong lupa at compost sa taniman na 6’ ang kapal
* Para sa pagtanim ng buto, humukay sa taniman (PLOT) ng 6”, lagyan ng IBOF kasingdami ng dating inilagay na abonong kemikal, tabunan ulit at saka itanim ang buto
* Para sa paglipat ng punla, humukay ng may lalim na 6’ sa wastong agwat, lagyan ng IBOF kasingdami ng dating inilalagay na abonong kemikal, itanim ang punla at tabunan
Para sa mga bukid
* Maghanda ng mga tudling (FURROWS) sa wastong agwat para sa itatanim
* Lagyan ng IBOF ang mga tudling (FURROWS) at itanim ang punla sa ibabaw
* Tabunan ang mga tudling (Furrows)
* Lagyan ng IBOF kasingdami ng dating inilalagay na abonong kemikal
PARA SA PALAY
Paghahanda ng Punla
* Maghalo ng “Soil Medium” (80% lupa / 20% IBOF)
* Gumawa ng taniman (POLT) na may sikat na 20 metro kwadrado (20 SQM)
* Sa bawat taniman (PLOT), Gumawa ng punlaan na may sukat na 1 metro ang lapad at 5 metro ang haba (1M x 5M)
* Sa bawat punlaan, latagan ng plastic mat sa ibabaw
* Ilatag ang “Soil medium” na may kapal na 3” sa plastic mat
* Itanim ang butyl ng palay (Seeds) na pantay ang layo sa “Soil medium”
* Diligan o basain ang punlaan sa maayos na paraan
Pagtatanim sa Bukid
* Tubigan ang tatanimang bukid
* Ikalat ang IBOF bago ang huling pag-araro
* Pagkalipas ng 21 na araw, itanim ang mga punla
* Lagyan ng IBOF kasing dami ngdating inilalagay na abonong kemikal
PARA SA TUBO
Para sa Bagong Tanim
* Araruhin ang lupa hanggang sa lalim na 16” – 18”
* Pinuhin ang lupa
* Gumawa ng tudling (Furrows) sa agwat na 1 metro – 1.2 metro (1M – 1.2M)
* Lagyan ng “MUDPRESS” o “COMPOST” ang mga tudling (Furrows)
* Maglagay ng IBOF sa ilalim (BASE) kung saan itatanim ang tubo
Raton
* Araruhin palabas ang lupa sa tudling
* Maglagay ng IBOF sa bandang ilalim (base) ng tubo
* Araruhin patabon ang lupa sa tudling
* “Spread thrashes to serve as mulching”
* Lagyan ng IBOF kasingdami ng dating inilalagay na abonong kemikal
Mais
* Araruhin ang lupa
* Pinihin ang lupa at gumawa ng mga tudling (FURROWS)
* Magkalat ng “COMPOST” sa mga tudling (FURROWS)
* “SEEd COAT” ng IBOF kasama ng punlang mais
* Takpan ang mga tudling (FURROWS)
* Lagyan ng IBOF kasingdami ng dating inilalagay na abonong kemikal
PARA SA PUNO
Paghahanda ng Punla
* Maghalo ng “Soil Medium na kalahating lupa at IBOF (50% / 50%)
* Itanim ang mga buto
Paglilipat ng “SEEDLINGS”
* Ihanda ang butas na pagtataniman
* Sa maliliit na puno (Saging, Papaya, atbp), ang hukay ay 2 talampakan (2FT) paikot at palalim.
* Sa katamtamang laking puno (Citrus, Rambutan, atbp) ang hukay ay kalahating metro (0.5) paikot at isang metro (1M) palalim
* Sa malalaking puno (Mango, atbp), humukay ng isa’t kalahating metro (1.5) paikot at isang metro (1M) palalim
* Haluan ang lupang hinukay ng IBOF (50% / 50%) at ilagay ang nahalo hanggang sa kalahati ng hukay
* Ilagay sa hukay ang “seedling” at punuin ang hukay ng nahalo
Pagaalaga ng Puno
* Alamin ang kaduluhan ng mga sanga ng puno
* Paikot na paglagay- Humukay paikot katapat ng kaduluhan ng sanga na may lalim na 4” – 6” at ilagay paikot ang IBOF bago tabunan ang hukay
* Tatsulok na Paglagay- Humukay ng tatlong butas (tatsulok) katapat ng kaduluhan ng sanga na may sukat 1 talampakan (1FT) paikot at palalim bago lagyan ng IBOF (kasingdami bawat butas)
* Sa maliit na Puno, maglagay ng 5 – 10 kilos IBOF, Sa katamtamang Laking puno, maglagay ng 18 – 20 kilos IBOF, Sa Malaking Puno, maglagay ng 25 kilos IBOF
Mga Praktikal na Pamamahala at Pagkontrol sa Mga Sakit ng Halaman
Isaayos ni Leopoldo A. Guilaran ng Pambansang Inisyatibo sa Binhi at Likas – Kayang Pagsasaka sa Pilipinas (PABINHI- Pilipinas) Inc.
Mga Kahalagahan nito sa Organikong Pagsasaka:
Ang mga Mikrobio (mikro-organismo) miliit na organismo, mahalang pagaaralan upang makatulong sa ating pag-iwas o pag kontrol sa sakit ng ating mga halaman
May dalawang uri ng Mikroboyo ayon sa epekto sa halaman, tao, hayop at lupa. Una ay ang nakakasira (pathogenic, parasitiko, virulent). Pangalawa ay ang nakakatulong / kapakipakinabang maaring uri ng bacterium, fungus, nematode actinomycetes at yeasts. May apat na uri ang mga nakakatulong na mikroboyo at ito ang mga sumusunod:
1. Decomposers – tagabulok ng mga labi ng halaman at iba pang organikong bagay
2. Nitrogen-Fixers – mga bacteria tulad ng rhizobium, azotobacter at berenckia.
3. Antagonists (contrabida) – mga mikrobio na gumagawa ng sustansyang nakakalason sa kapwa mikrobio tulad ng pennicilium, streptomyces, thrichoderma at actinomycetes. Mahalaga ang mg antagonists dahil sila ang nakakapatay sa masamang mga mikrobia na hindi kaya ng mga pestisidio
4. Protagonist (bida) – Mga halimbawa Photosynthetic bacteria, Yeasts, Actinomycetes, VA Mychorrhiza
Sa kabilang banda, mayroon ding mga mikrobyo na pumamatay sa mga insekto na kumukalat ng sakit. Ang tawag dito ay mga Parasites. Ang mga parasites din ay maaring makabuti o makasama depende sa ating pagkontrol nito sa bukirin. Halimbawa ay ang mga:
1. Nosema locustee – protozoa na pumapatay ng 58 na uri ng tipaklong
2. Bacillus popilliae – pumapatay sa white grubs
3. Bacillus thuringiensis – lumalason sa liang uri ng cutworms at ibang insekto
Mayroon ding uri ng mirkrobyo na pumapatay ng ibang mapanirang organismo at ito ang mga sumusunod:
1. Parasitoieds – kumakain ng itlog ng peste, langgam at adult whorl maggots
2. Langgam at iba pa ay pumapatay ng mas malalaking insekto
Bakit May Sakit?
1. Dahil sa epektibong mikrobio (virulent) tulad ng fungi na epektibo sa malalamig na klima
2. May tagatanggap (susceptible host) maaring tao, hayp or halaman. Kahit virulent ang mikrobio basta hindi mahina ang resistensya nito, hindi ito tatalab
3. Paborable na kondisyon – kung paborable ang kundisyo at virulent at mahina ang host, hindi ito kakapit
Paano Maiwasan ang sakit?
1. Magtanim ng natural na resistensyadoing halaman
2. Magsubok muna o mamili bago magtanim ng bagong halaman
3. Magtanim sa tamang panahon
4. Hawaan, tanggalin ang mga halamang may sakit
5. I-mentina ang “diversity” ng sakahan
• Mag crop rotation
• Multiple (maramihang) cropping (intercropping, relay cropping, mixed cropping at multi-storey cropping)
• Mag alaga ng ibat-ibang klase ng hayop
6. Maglagay ng tirahan ng mga kaibigang kulisap (beneficial insects)
• Mag-iwan ng madamo omasukal na lugar sa paligid
• Maglaan sanctuary n may tumutubong damo, bulaklak at puno
7. Pagandahin at panatilihin ang katabaan ng lupa
• Sakitin ang halaman kung sakitin din ang lupa
• Dagdagan ng organikong pataba
• Kung balance na ang katabaan ng lupa ito na ang buhay na lupa
8. Gumamit ng mga mikrobiong gumagawa ng antibiotic
9. Ang lactic acid bacteria at yest ay nagpapabango ng lupa
10. Kung marmi ang photo-synthetic bacteria at nitrogen-fixing bacteria, di na kailangan maglagay ng kemikal na abono.
Mga pamamaraan sa pagkontrol sa sakit ng halaman:
1. Biological Control (pagpadami ng nakatutulong na insekto at mikrobio)
2. Cultural Control (pangangasiwa sa sakahan) tulad ng pag sterilize ng lupa, crop rotation
3. Physical Control (pagsunog sa may sakit na halaman, dahon o paglagay ng insect traps)
Sumada:
1. May sakit lamang kung nandoon ang tatlong bagay: microbio, tagatanggap, tamang kundisyon
2. ang sakit ay intoma ng hindi balanseng ekolohiya ng sakahan
3. ang sakiting lupa ay nagreresulta ng sakiting halaman
4. Dahil sa hindi wastong disenyo at hindi wastong pamamaraan ng pagsasaka
5. Huwag suwayin ang kalikasan
Logged
aprilrose73
Newbie
Posts: 42
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #39 on:
August 14, 2010, 06:56:50 AM »
maraming salamat sir pig_noypi very informative inputs.
Sir any seminars starting from sept 25,2010 onward?thanks
Logged
camouflage
Newbie
Posts: 9
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #40 on:
August 26, 2010, 10:30:26 PM »
napaka gandang info yan sir pig_noypi...
uu nga sir any seminar from oct onwards? kng pd sa iloilo naman
thx
Logged
JHYXZ
Newbie
Posts: 3
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #41 on:
October 14, 2010, 10:13:05 PM »
NAGPAPASEMINAR DIN PO BA KAYO ABOUT SA HOG RAISING?
jg_quitlong @yahoo.com
0910-9879475
Logged
babuylaber
Sr. Member
Posts: 367
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #42 on:
October 15, 2010, 09:32:03 AM »
sir din naman po kayo dito sa region 02. thanks
Logged
a room without a book is like a body without a soul
elle
Newbie
Posts: 9
Re: Natural Farming Seminar by Mr. Andry Lim
«
Reply #43 on:
November 14, 2010, 10:18:15 AM »
Im from Antique. Any upcoming sessions nearby places by 2011? Im a seafarer by profession and timings is a big problem to me....any suggestions?
Logged
pig_noypi
FARM MANAGER
Full Member
Posts: 115
Certificate on Natural Farming System - January 20-22, 2011
«
Reply #44 on:
January 05, 2011, 11:29:12 AM »
Certificate on Natural Farming System
January 20-21-22 2011
Venue: Susi Foundation Bahay Tuklasan Brgy. Behia San Antonio Tiaong Quezon
Registration fee: P6000 Inclusive of food breakfast, am/pm snack lunch&dinner - board and lodging manual & CD transportation to the farm
January 19,2011 Arrival of participants
Dinner
January 20-21-22, 2011 Lecture & field work / hands on
January 23 Departure of participants
Day 1 Lecture
• Overview and expectation setting
• Introduction to Natural Farming and Organic matters
• Concept and principles of natural Farming
• Video presentation of Janong Institute
How to collect and prepare the materials on NF with hands on (do it your self) extracts from plant, animal and mineral sources for foliar fertilizers, insecticides and fungicides:
1. Indigenous Micro-Organism (IMO)
2. IMO 5 (basal fertilizer)
3. Fermented Plant Juice (FPJ)
4. Fermented Fruit Juice (FFJ)
5. Fish Amino Acid (FAA)
6. Lactic Acid Bacteria Serum (LABS)
7. Oriental Herbs Nitrates (OHN)
8. Water soluble Calcium Phosphate from animal bones
9. Calcium from eggshell
10. Natural Attractant – aromatic, light trap and color trap
11. How to make virgin coconut oil
Day 2 Lecture
1. Application seeds and seedlings treatment
2. Soil management - improving soil
3. Managing nutritive cycle and period theory of plants
Field demonstration
1. Plot design – vegetable garden
2. Making of carbonized rice hull or CRH
3. Transplanting techniques
Day 3 Livestock - Swine and Chicken
1. Principle and benefits of NF piggery and poultry
2. Concept and methodology of housing and bedding design
3. Concept and principles of NF livestock
4. Managing nutritive cycle theory for livestock
5. Preparing and designing formulation of feeds
6. Care and management of animal
Hands on and demonstration:
• concoction making and feed mixing
• bedding's
Logged
Pages:
1
2
[
3
]
4
Print
« previous
next »
Jump to:
Please select a destination:
-----------------------------
General Category
-----------------------------
=> FORUM RULES
=> FORUM HELP /TECHNICAL HELP
=> SWINE RAISING BOOK
-----------------------------
LIVESTOCKS
-----------------------------
=> SWINE
===> HOUSING
===> BREEDING
===> DISEASES
=> POULTRY
=> CATTLE, CARABAO, GOAT & SHEEP
===> Small ruminant (sheep and goat)
===> Large ruminants (Carabao, cattle etc)
=> AQUACULTURE
=> Video section
===> Swine
===> Poultry and avians
===> Ruminant
===> Aquaculture
=> AGRI-NEWS
=> Marketing and Economics
=> FEED FORMULATION
-----------------------------
CROPS
-----------------------------
=> GARLIC
=> MUSHROOM
=> crops video
-----------------------------
NATURAL FARMING
-----------------------------
=> ORGANIC FARMING
-----------------------------
OTHERS
-----------------------------
=> BUSINESS CONCEPTS
=> ENERGY/ETHANOL/BIOMASS ETC..
=> Recipe
=> Sports section
=> ANYTHING GOES
===> Video
-----------------------------
COMPUTER HELP
-----------------------------
=> Microsoft
=> ANTIVIRUS/VIRUS/SPYWARE
-----------------------------
BUY AND SELL
-----------------------------
=> Agricultural
=> Electronic and gadgets
=> Advertise
< >
Privacy Policy
Loading...