boss blake may picture ka ba sa conventional house mo?pra may idea ako kasi im interested to be a contract grower,, mahal kasi ang investment kung tunnel vent... at may feasibility studies ka ba boss about contract growing?thanks
Boss GioCajegas, actually mag uumpisa pa lang kami magpatayo next week, or first week ng March, pinapaubaya ko na ang diskarte nito sa byenan ko kasi experienced karpentero sya. Post din ako dito ng mga picture pag nag umpisa na kami. Pati yung mga cost post ko dito.
Bali gusto ng Nutriva ay mag umpisa muna kami ng 6,000 birds kasi beginner pa lang daw kami.
So bali ang gusto nila, dalawang bahay yung gagawin namin, tig 3k birds ang load ng bawat bahay.
Sa Nutriva naman, ok lang daw naman sa kanila kahit ano'ng design ng bahay, basta concrete lang daw yung mga haligi.
Yung tungkol naman sa feasibility study, meron ako nun, siguro meron ka na copy nun... yung pinamimigay ni doc nemo sa forum na ito. Kung wala ka pa nun, bigay mo sakin email mo para forward ko rin sayo.
Yung sa itsura naman ng coventional poultry, meron ako nakita sa internet, ito yung mga nakita ko:


Ito naman yung nakita ko rin sa internet na specifications para sa standard conventional poultry (6,000 birds):

Kung medyo maliit yung mga picture, right click mo lang at save mo sa local drive mo para ma view mo ang full size.