Sa pagpapaanak di naman kelangan talagang expert ka, ang kailangan mo lang gawin eh obserbahan mo kung ano kelangan/kalagayan ng sow m. Kasi di naman nya sasabihin sau na nahihirapan syang manganan. You know what i mean po. Dapat po before expected date farrowing kelangan nakaprepare na mga gamit na kelangan sa biik at inahin (pamunas, sinulid, gunting, iodine, panggupit ng ngipin, painitan or brooder at heringgilya. Linisin ang mga suso at puwerta ng inahin upang maiwasan ang impeksiyong maaaring makakumplika sa panganganak. Linisin mo rin yung lugar kung saan sya ay manganganak.