Pagpapalahi ng baboy.
Ang pagpapalahi ng hayop ay may dalawang dahilan una upang maparami ang alaga, pangalawa ay upang maitaas ang kalidad ng hayop. Hindi lang sapat na ang inyong alagang baboy ay magbuntis at manganak, kailangan din na ang mga anak nito ay maypotensyal na lumaki ng mabilis, malusog at matipid sa pagkain. Ang pagpapalahi ay hindi kasing simple ng karaniwang iniisip ng tao, ito ay kinakailangan ng masusing pagsusuri ng mga datos sa isang babuyan. Ang mga datos na kailangan bigyan pansin ay ang pedigree o pinagmulan ng baboy na nais gawin inahin o barako, ang performance ng individual na baboy na nais gawin inahin at ang pisikal na kaanyuan ng baboy. Ang pedigree nito ang magbibigay sa ating ng idea kung gaano karami ang inaanak ng lahing ito. Gaano kabigat ang ipinapanganak nakulig nito, kung gaano karami ang naiwawalay at kung ano ang mga timbang nito nang iwinalay. Dapat din natin isaalang- alang kung ilang beses ba ang inahing pinagmulan nito nanganak,naglandi, nakunan, etc
Maaari na napakaganda ng performance ng inahing pinagmulan ng inyong baboy ngunit hindi nangangahulugan na magiging maganda rin ang magiging resulta kapag ang kulig na nito ay gagawing inahin. Bigyan pansin din natin ang naging performance ng kulig. Ito ba ay may magandang timbang nun ikalimang buwan nito? Umabot ba naman ito ng 85 kilos. Kung umabot ng 85kgs, naging matipid ba ito sa pagkain? Naging sakitin ba ito? Isang maling practice ng mga nag- aalaga ng baboy ay yun kapag maliit ang isa sa kanilang baboy sa araw ng benta ay kanila itong ipinapaiwan at pinapalaki pa para gawing inahin nalang. Ang mga ganitong baboy ay maaring gawin inahin ngunit ang kakayahan ng paglaki ng mga magiging kulig nito ay maaaring mabagal din.
Kahit na mganda ang pedigree at performance ng baboy ay hindi nangangahulugan na pwede na itong gawin inahin. May mga physical na katangian din tayo na batayan sa pagpili ng inahin. Dapat ito ay walang mga kapintasan, malalakas ang mga paa, at katamtaman ang pangangatawan.
source:"Pag aalaga ng baboy sa Likod bahay" copyrighted.
Please do not copy and post to other site. Thank you!