Kung magsisimula pa lang sila i would suggest po na dun muna sila sa concrete na flooring. Una po kasi mas subok na sa ating bansa ito at mas praktikal. Yung iba po kasi na deep bedding/ straw bedding ay minsan ang ilalim ay semento din. Kaya dodoble lang ang trabaho nila at gastos kung gagamitin nila ang straw system. At upang maging maganda ang bedding system nila mas malaking espasyo ang kailangan nila para ito ay magresulta ng maganda. Mula 2-3 times na masmalaking espasyo po ang ginagamit sa bedding system.
At ang bedding system po ay ginawa sa ibang bansa primarily for human consideration sa animal etc..
Although bedding system sa ating bansa ay marami na rin nagkakainteres pero hindi ganun ka pratical pa sa ngayon at hindi lahat maganda ang naging resulta.
Matrabaho din ang systemang ito kumpara sa semento na flooring.