i am not saying that it is a local issue...
But technicality wise devolved na ang structure ng government natin.
DA's function is more on policy making and creation ng projects. implementation and pag papaunlad ng agricultura is nasa kamay ng LGU...
Bakit devolved na ang system? this is to have accountability. Pag hindi maunlad ang isang lugar ang unang dapat sisihin ay local government at hindi ang national. Case in point, ang Camsur, isa ito dati sa mahirap na lugar sa Pilipinas pero nung nagkaroon ng initiative ang kanilang LGU, isa na ito ngayon sa umuunlad na lugar.
Sa case ng pagpayag ng DA sa importation of meat products , ito ay for the sole purpose na pang canned goods lang siya. And bawal ito ibenta sa local markets, may order po yan from DA. kung meron nakikita sa local markets it means hindi binibisita ng local LGU ang local markets nyo kaya hindi ito nasasawata or takot ang LGU nyo sa mga taga palengke or hindi alam ng LGU nyo ang mga rules,,, attend ng attend lang ng seminar para lang magkaroon ng travel budgets and incentive.
Kailangan din kasi ibalanse yun price of canned goods, although meron tayong available na meat pero kung ito purely ang gagamitin sa canned goods then tataas ang presyo ng canned goods which will affect naman lahat ng Pilipino. It is a balansing act na ginagawa ng DA hindi lang sa meat, maging sa other products. Same is true din ang nangyayari sa mga nag mamais, sibuyas etc.
another thing also malamang din hindi galing sa registered imported meat ang nakikita sa palengke. Possible din kasi na mula naman ito sa custom na misdeclared and nakalusot at umabot sa market....
Kaya ang approach is more on guerila type dapat, bantayan ang palengke from imported meat, botcha and the likes....Kasi di din naman natin masisisigurado kung meat ito through importation ng DA, Customs or farms na nagbebenta ng botcha. Ang sure lang is sa palengke ito babagsak.
Imagining nyo na lang ganito, kahit na magreklamo ako ng magreklamo sa DA , appointed yan, walang ginastos yan sa election at hindi yan tatakbo for re-election, kahit tainted ang credibility niyan walang magiging problem kasi sagot sila ng boss nila na once lang din naman pwedeng tumakbo for presidency. So, kaya devolved ang responsibility, LGU ang bhala sa inyo kasi sila ang pwedeng palitan by election(every 3 years). Pinapadalhan sila ng budget ng national para gamitin sa lugar niyo. May pork barrel si congressman para gamitin sa lugar nyo. May IRA din ang barangay.
Sorry kung medyo namamasaker ko ang LGU etc... Ilang beses na rin kasi ako nakaencounter dito sa forum na nagsuggest ako na lumapit sila sa LGU and ang feedback sa akin is hindi sila pinuntahan ng LGU sinabihan lang na magbigay ganitong gamot at kinontra lang kung ano ang initial findings ko....The mere fact na pinapapunta ko sila sa LGU nila is for the purpose na para mabisita sila at magkaroon ng definite diagnosis at magagawa lang ito kapag nakita ang animal at maassess ng tama.
And lastly, we have to remember, hindi uunlad ang isang lugar kung hindi din kikilos ang community.one thing i learned sa Public health course is that if the community is not receptive or walang initiative for sure magfail ang project.