dapat 8-12 hours lang ang fasting ng animal....
ang problem po kasi kung bibigyan ng lupa is tinatawag na resiko, malamang po kasi di na babalik buyer nyo.
especially kung marami silang pwedeng puntahan na babuyan.
ang mga buyer hinahanap po kasi nila yun grower na mababa ang resiko, kaya pinapafast nila ng 8-12 hours ang baboy. kasi ang bentahan nila sa slaughter house is carcass weight na. so kung masyadong mabigat ang bituka ng baboy at mababa ang recovery, matatandaan yun baboy nyo as pangit, di na sila babalik.
Sa mga manok kasi ganyan din ang ginagawa, yung sa baka naman yun iba pinapainom ng maraming tubig to gain weight....
pero technically hindi naman talaga lupa yun kinakain nila, napapasama lang ng konti... ang mga baboy kasi sa wild natural na burrower/digger , root crops ang kanilang kinakain kaya medyo nakakakain din sila ng lupa kapag nahukay na nila yun food nila