doc,
in your own experience, meron po ba kayong na-gather na data tungkol sa performance ng inyong mga fatteners at Sows? Gusto ko lang kasi po may ma-co-compare ako dito. hindi ko po kasi alam kung tama na ang management ko or kelangan ko pang i-improve.
if possible po doc ung actual data. yun kasing data sa PCCARD eh tumutukoy yun in general eh. sa tingin ko pareha lang din ang result sa amin.
data like Growth Rate ng fatteners, Weight pagka-anak, Weight at weaning, Weight at market day, Farrowing rate, performance ng Hybrid at Normal Breed na baboy, etc...
sa ngayon chopsuey pa po talaga ang mga baboy namin. pero premium feeds po gamit namin. kaya kelangan ko talaga malaman ang performance ng Hybrid if worth it ba talaga magpalahi.
sensya na doc ala kasi ibang mapagtanungan. internet lang po lahat galing kaya ako nakapag-pig farming.
tnx po