Author Topic: Gilt Breeding Problem  (Read 3711 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

ice.blue

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
    • View Profile
Gilt Breeding Problem
« on: February 17, 2013, 04:48:12 PM »
Hello po doc memo at sa lahat ng mga magbababoy d2.

Meron po kasi akong 2 gilts. 2 times ko na po pina AI, di pa rin nabuntis. Bale po since 4 months pa Lang sila nagsimulang maglandi pero pina AI ko Nong 8 months na silang 2. First and 2nd AI nilang 2, failure po. Ang ginawa po namin, 2nd day of heat, nung naglalaway na ang kaninang vulva, pina AI ko na ng umaga, tpos follow up AI sa hapon, failure po lahat ang 2 attempts sa 2 gilts. Nabakunahan ko na po cla ng parvo. Yong ibang gilts na kasabayang naglandi,2 months pregnant na po. Binigyan ko na din tong 2 ng ADE at bcomplex tapos 2.5kg/day po ang feeding ng bawat gilt. Estimated weight nila, NASA 140-160kg na.

1. Ano po kaya problema ng 2 gilts ko?
2. Didispose ko nlng po kaya to? Luging lugi na kc.

baboypig

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #1 on: February 18, 2013, 04:48:24 PM »
nag back pressure test kayo?? baka kasi palipas na yung landi nya.

nemo

  • Guest
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #2 on: February 19, 2013, 03:58:06 AM »
try nyo po sa natural po.
kung palpak pa benta nyo po. malapit na eleksyon kung sakali by that time tataas pa ang presyo ng  baboy.

ALEXGARCI

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 119
    • View Profile
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #3 on: February 19, 2013, 05:34:56 PM »
ok lang po ba sa nga gilts and sows na naka AI na tapos nakikita parin nila yung boar?
palagi kc umaakyat sa bakod yung boar kaya nakikita nila, ang isang gilt ko naglandi ulit
minsan naman nakalabas yung boar nabuksan yata yung pinto, nakikipag-away/ligawan sa mga sows/gilts ko na sa gestating pen na naka AI na

- ano po yung epekto nito sa mga gilts/sows na na AI na?
- o hindi kaya ang boar ang maapektohan kung palagi din nya nakikita yung mga gilts/sow, AI boar po sya..

salamat po..
 

erik_0930

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 186
    • View Profile
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #4 on: February 19, 2013, 08:55:40 PM »
Kuyang Ice binili po ba nyu ung gilts sa breeding farm, ask po kau ng replacement kc may warranty naman yan siguro, kung sariling produce nyu ang gilt i cull nyu na lang po kaysa mag aksaya kau ng panahon at oras kc hindi na din maganda ang background nya

erik_0930

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 186
    • View Profile
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #5 on: February 19, 2013, 08:59:33 PM »
ok lang po ba sa nga gilts and sows na naka AI na tapos nakikita parin nila yung boar?
palagi kc umaakyat sa bakod yung boar kaya nakikita nila, ang isang gilt ko naglandi ulit
minsan naman nakalabas yung boar nabuksan yata yung pinto, nakikipag-away/ligawan sa mga sows/gilts ko na sa gestating pen na naka AI na

- ano po yung epekto nito sa mga gilts/sows na na AI na?
- o hindi kaya ang boar ang maapektohan kung palagi din nya nakikita yung mga gilts/sow, AI boar po sya..

salamat po..
 


Kuyang  ok lang po siguro ung naka expose ang boar un nga lang wala ng sabik ang kanilang paglalambingan pag lagi na silang nagkikita. Sa amin po kc ay nasa gestating pen po minsan ang boar at nakikita din niya ang mga sow ko na na AI din pero wala naman po nagiging problema

ALEXGARCI

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 119
    • View Profile
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #6 on: February 24, 2013, 05:25:17 PM »
ok lang po ba sa nga gilts and sows na naka AI na tapos nakikita parin nila yung boar?
palagi kc umaakyat sa bakod yung boar kaya nakikita nila, ang isang gilt ko naglandi ulit
minsan naman nakalabas yung boar nabuksan yata yung pinto, nakikipag-away/ligawan sa mga sows/gilts ko na sa gestating pen na naka AI na

- ano po yung epekto nito sa mga gilts/sows na na AI na?
- o hindi kaya ang boar ang maapektohan kung palagi din nya nakikita yung mga gilts/sow, AI boar po sya..

salamat po..
 

nemo

  • Guest
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #7 on: February 25, 2013, 05:06:46 AM »
basta wag lang makakawala ala naman problem yan ;D

advantage pa nga kung minsan kasi yun hindi in heat mag heat, yun nabreed naman na pumalpak malamang magheat agad kasi nakikita nila or naaamoy si boar. asuming po na nasa bartolina si gilt or sow, kung wala kasi minsan nagiging problem kasi sila na ang tumatalon at pumupunta sa boar.


Rjay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 81
    • View Profile
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #8 on: March 03, 2013, 02:44:45 PM »
doc,

1week after breeding, nag.suspect ako uterine infection na naman. may parang nana kasi discharge sa vulva.
balak ko po kasi mag.inject oxytet. either way na buntis cya or hindi, safe po ba to inject? baka kasi kung sakali buntis cya ay hindi matutuloy. or kung hindi naman cya nabuntis ay magagamot ko na sya before na mag-heat cya ulit pra ma-breed na naman.

doc just incase infected din ung boar paano ba malalaman kung infected din ba cya or hindi? and ano rin ang pwedeng igamot pra dito? tnx po.
« Last Edit: March 03, 2013, 03:15:57 PM by Rjay »

nemo

  • Guest
Re: Gilt Breeding Problem
« Reply #9 on: March 05, 2013, 01:36:33 AM »
oral antibiotic nalang po ibigay nila.

minsan kasi naiinfect si inahin dahil hindi napapaliguan si boar hindi nalilinis yun genital part niya