author=ice.blue
Patulong naman po pls

May isang inahin kasi akong nanganak ng 12 noong Oct. 16, tas ayaw Nya magpasuso sa kanyang mga biik. Pag Anjan kc ang kanyang biik, tumatayo sya, tas atras abante ang lakad sa loob ng farrowing pen. Ginawa ko po, pinapasuso ko ng paisa- isa ang mga biik Kahit nkatayo ang inahin. After 3 days, napilit ko rin na magpasuso ang inahin ang kaso kapag nahiga na sya, after 5-10 minutes tatayo ulit sya. Bale napapasuso ko ang mga biik 4-5 times kada Araw tapos gumamit pa ako ng milk pangbaboy. Bale po 1 litro ang nauubos ng 12 biik kada Araw. Napansin ko po na kumukunti ang gatas ng inahin. 4kg/ day pakain ko na commercial feeds sa kanya. Noong oct. 21, may isang biik na Namatay, ngayon Araw oct 24, 2 na po ang namamatay. mahina po yong mga biik tas nangingisay tapos mamamatay na. Nagbigay na ako ng iron dextran sa mga biik noong 3 days old pa sila. Sa tingin nyo po bakit po namamatay ang mga biik ko? May sakit po ba sila o sa kakulangan ng gatas Lang? Ano po bang pwedeng gawin sa situation na ganito? Pls help me

kuyang ice,
yon diin po ang nangyari sa PIC na sow ko 12 ang anak nya tapos madalang mag pa didi hangang sa 1 side nalang ng didi nya may gatas alalay ang pag pa didi ang ginawa namin every 2 hiurs punasan ang didi ng sow ng maligamgam na water para hindi huminto ang milk at hindi mapanis ang milk nya buti nalang at naka survive ang 6 piglets,yon ang pina ka tamad at mabisyon na sow ko pag weaning binita ko na para wala nang sakit sa ulo at matrabahoso po.