Doc, may itatanong lng po.
Ganito kasi ang nangyari, noong 10 days before manganganak ang aking inahin ay panay ubo at depth thumping masyado...halos lumiit yong abdomen niya tuwing inuubo...akala ko nga mag-early delivery cya dahil sa ubo..kasi parang lumusot na ang mga biik tuwing siya ay umubo.
Inenject ko siya ng 20ml Tylosin at iyon na-cure namn after 4 or 5 days..Kaso,may biglang tumubo parang matigas na bukol, ang pupula pa..akala ko sa sobrang gatas lng iyon.
Pero, from farrow until walay ng mga biik hindi ito nawala at parang bumibitay masyado na iyong udder niya...binaliwala ko lng yon baka dala lng sa kanyang gatas.
Ng ito'y naglalandi pina-AI ko naman sa pag-akalang mawala lng iyon together sa gatas.
Ito na cya ngayon 85 days buntis, at nagsimula ng lumaki at halos sumadsad ang udder niya sa sahig dahil sa bukol na iyon.
At ito ang aking mga katanugan:
1.) Ano kaya ang pedeng naka-cause nito?
2.) May epekto kaya itong malaking bukol sa gatas sa susunod niyang mga biik?
3.) Magagamot pa kaya ito?
4.) Ano ang aking maaring gawin as prevention nito?
5.) Magamit pa kaya muli ito?
Thanks and more power...