Simple lang ang pag aalaga ng native na manok.
importante na napili na natin ang ating breeding materials para mapalabas ang magandang katangian na hinahanap natin sa native na manok.
Mga magandang katangian:
- ang inaheng napili ay mahusay magpisa ng itlog
- maganda ang pangangatawan
- hindi maputla ang mukha ng inahen
- aktibo
- walang sakit
- ang tandang ay malaki ang katawan
- mapula ang mukha
- matakaw at maganda ang metabolismo
- walang sakit
- aktibo
- I-deworm o purgahin ang dalawang napiling materyales pang breed.
- Wag gumamit ng antibiotic sa panahon ng pagpapalahi.
- Siguraduhing ang bawat itlog na nakukuha sa inahen ay hindi nadumihan o nabasa
dahil makakaapekto ito sa pagpisa (mabubugok).
- ihanda ang pugad at lagyan ng dahon ng saging bilang sapin sa pugad.
- ilagay ang mga itlog na naipon at ipaupo sa inahen.
- kung may incubator, mainam ito sa maramihang pagpisa.
- bibilang ng 21 days para mapisa ang mga itlog.
- pwedeng tulungan ang mga sisiw na hindi makalabas sa itlog kung ang itlog ay may crack,
balatan ng dahan-dahan para makalabas ang sisiw.
- ihanda ang kulungan ng sisiw at inahen
- tiyakin ang kulungan ay malinis at hindi malamok (ito ang karaniwang sanhi ng bulutong pag ang sisiw ay nakagat ng lamok).
- bigyan ng probiotics ang sisiw sa kanilang unang araw ng buhay (example 1/2 bottle yakult per 1 gallon of water).
- bigyan ng electrolytes tulad ng electrogen d+ or selectrogen ng sagupaan sa kanilang inuminan araw-araw.
- bigyan ng patuka ang sisiw (maaring ito ay derby ace chick booster or thunderbird baby stag developer for 1 month). bakit? ang mga produktong ito ay may gamot para tiyaking maganda ang panunaw ng sisiw at palakasin ang resistensya nila.
- pag dumating ng 1 month, pwede na silang ilipat sa galaan kung saan walang predator tulad ng pusa, aso atbp.
- pag ang sisiw ay 2 months na, pwede na bigyan ng hammer dewormer for chicks (tiyaking uhaw na uhaw ang sisiw para mainom nila ito).
- painomin ng probiotics tulad ng yakult, laktopafi etc. para palakasin ang good bacteria ng bituka ng sisiw (ibigay ito every other week sa inuminan ng sisiw)
- pwede nang ihiwalay ang inahen sa mga sisiw pagdating ng 2 months.
- rekomendadong patuka ay broiler starter para gumanda ang kanilang pangangatawan.
- maganda magbakuna pero nararapat lang ito pag malapit ang lokasyon mo sa mga taong nagaalaga din ng mga manok 45 days or panabong na manok.
- ang binabad na whole corn ay magandang ibigay sa panahon ng tag ulan bilang suplimento
- kung ang galaan ay limitado, maaring bigyan sila ng rabbit pellets bilang suplimento