I think better to find a place na pwede ka magbusiness at tumira... in short bilhin mo yun lupa. Mahal din kasi yun magpatayo ng kulungan ng baboy. Mahirap kasi yun umupa ka ng long term then worst case scenario hindi ka nag succeed then nagbabayad ka ng lupa na wala kang ganansiya at gumastos ka pa ng kulungan.
Kung sa iyo yun lupa kung mag succeed then good kung sakali man hindi pwede mo maibenta ang lupa pati yun kulungan mo maisasama mo pa sa computation mo sa pagbebenta.
another alternative is paalaga system tumira sa isang lugar na pwede ka mag paalaga ng baboy bale 50-50 ang hatian nyo ng gastos ng iyong partner then while nag aalaga ka ng baboy , try to look for other business opportunity sa area pang dagdag kita and hopefully makaipon ka para makabili ng sarili mo na lupa .
Yun paalaga system bale ikaw sasagot sa pagbili ng biik, feeds, gamot at yun partner mo bahala sa kulungan, pag aalaga, kuryente at tubig. pag nabenta si baboy babawasin si gastos kay feeds,gamot, at biik at ang matira yun ang pag hahatian nyo. dahil nasa lugar ka lang din mamomonitor mo si baboy at ikaw din na makakabili ng mga feeds at gamot.
yun matitipid mo sa paggawa sa kulungan invest mo naman sa stock market para mas malaki ang interest kumpara sa banko. then hanap ka pa iba work atleast 3 ang inaasahan mo na source of income, baboy, stock market, work or another business...
I always think of the worst case scenario po kung may balak ako na gawin to guide me to come up sa magandang desisyon. Hindi po sa nagiging negative ako pero i want to be always prepared.