question lang po about biogas....
tama po ba na ang biogas ay ginagamit bilang clean fuel pero may iba't ibang paraan sa pag gamit nito?
1. ginagamit bilang gas para sa stove
2. ginagamit bilang clean fuel sa pagpatakbo ng generator para may kuryente
dun po sa ika-2.. paano natin maipon ung biogas sa isang tank? kasi po ang pagkaalam ko, ung biogas ay methane gas na kung mahalo sa oxygen at may pressure, puede sumabog di ba?
ang nasaisip ko... parang mas practical na gumamit ng portable digester kompara sa naka baon sa lupa. dahil ang portable digester ay...
1. madaling ipunin
2. madaling kalkulahin
3. madaling makuha ang solid waste pag matapos ang pagdigest para magamit bilang compost
pero kung ang portable digester ay maliit, hindi yata natin mapapagana ung generator ng 24/7. ang nasa isip ko eh madaming portable digester at isaksak sa isang malaking tank na iipon ng biogas at ung malaking tank na yun ang pagkukuhanan ng biogas ng generator. tama po ba? pero paano natin maiipon na walang masamang mangyari.
salamat sa pagtugon.