same lang almost yun pagpili ng boar at gilt, andyan dapat malakas paa nya, maganda katawan, hindi naging sakitin etc... etc...
Ang magiging problema lang kasi, ang pagpili ng boar at pag develop nito ay aabot ng isang taon.
halimbawa, sa 10 biik 3 lalaki, yung tatlo na yun hindi mo pwedeng kapunin especially kung maganda pangangatawan, hindi din pwedeng sabihin yun pinakamalaki nalang pipiliin mo kasi minsan maganda siya nung biik pero nung lumaki na pumapangit. Halimbawa lumaki na siya mga 2 buwan pwede ka nang pumili ng 2 mula sa tatlo na itutuloy mo oobserbahan na gagawin barako. at yun isang hindi napili , it is either litsunin na lang siya or kakapunin para palakihin as fattener. Dun sa dalawang natira pag dating ng 5 months mamili ka ng isang pwedeng gawin barako. at hindi napili benta as fattener , pero dahil meron siyang balls medyo mababa presyo nyan. At pag dating ng 8 months nun baboy matraining mo na siya kung pwede talagang gawin barako... kung hindi maganda performance niya /ayaw sumampa etc... then benta as fattener nanaman siya...palugi presyo ka uli.
kaya po kung mapapansin nila mahal din bumili ng barako...