Author Topic: nagtatae na baboy  (Read 47989 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Jeann

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #45 on: June 14, 2012, 04:15:37 AM »
Gud day po Doc..Tanong ko lang po, kasi on & off ang pagtatae ng mga baboy ko. 2 1/2 months na sila, ganun pa rin ang lagay nila, pero ang lakas po nila kumain at masisigla naman po sila sa awa ng Dios. kaso lang parati basa ang tae nila, tapos mawawala na naman, pinapainum ko na sila ng ora antibiotic at apralyt ng mga 5 days na..till now ganun pa rin, pero malakas naman po sila kumain. Anu po kaya ang dahilan kung bakit ganito sila, mula nung binili namin?

Salamat po..

erlynjane

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: nagtatae na baboy
« Reply #46 on: September 04, 2012, 05:47:59 AM »
Hi Doc Nemo,

Need your help, may alaga akong pig buntis 20 days nlang kulang bago manganak. bigla nlang syang nagtatae at tumamlay, pinaliguan ko ng suka at try ko pinakain ng uling pero ayaw nya. in 3 days namatay sya. nong tiningnan nmin 11 ang babies nya, sayang at nakita din nmin na ngingitim ang baga nya. gusto ko lng malaman kung anong cause ng pangingitim ng baga nya.sana maturuan mo kami sa dapat na gawin pag mangyayaring ganun sa alaga ko.

nemo

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #47 on: September 11, 2012, 05:02:44 AM »
greetings!

sorry for the late reply....

di mo po nbanggit kung anung part or area yun nangitim. baka po kasi venous pooling lang yan at hindi sakit.

venous pooling sa case na ganito kasi kapag namatay ang animal yun area na kung saan sila nakaratay yun ang area na nangingitim kasi nagaacumulate ang blood doon.

sa nabanggit kasi nila nagtae at tumamlay. ala naman silang nabanggit na respiratory sign.


ang tanong lang po siguro kung nakapagbakuna ba sila ng animal....

------------------------------------


Join the Pinoyagribusiness Mailing list and be entitled to join the
(Pinoyagribusiness mailing list)  swine manual raffle this coming October. Please after subscribing check your email/ spam box to confirm your registration. thank you...

Note: previous members/ old members are not automatically registered in the mailing list. You need to manually subscribe.. Thank you

happypig

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #48 on: July 29, 2014, 06:00:04 AM »
Dok Nemo good evening po.... I found this site very informative by just reading all the topic... dok nemo may question lang po ako newbie lang po kasi ako sa pagbababoy may problem po ako sa mga biik ko 45 days na po cla 14 po cla lahat sa isang kulungan ang 8 magkapatid sa isang inahin ung 6 naman po sa ibang inahin ang problem po nagtatae po ung 8 na color grey minsan black na tubig na minsan parang wala na clang control basta tutulo nalang last Saturday po nag umpisa nag inject na po ako last Monday ng antibiotic almycin kaso po same pa din now minsan buo na tae nung apat tapos babalik na nman pro ung 6 ok naman po and one thing din po dok malakas cla kumain lahat at walang nanghihina .... really nid ur help talaga dok worry talaga ako ditto... dalamat dok in advance...

rayfarmer

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #49 on: October 08, 2014, 09:40:32 PM »
doc nemo good day po...nagtatae po yung nga biik namin. binigyan na namin ng tylosin injectable nag ok naman ang iba pero merong isa na hindi pa po. tuloy tuloy ang pagtatae at meron kasama na dugo. pabago bago kasi po ang panahon sa amin. ano po dapat ibigay na gamot? maraming salamat po
   

nemo

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #50 on: October 20, 2014, 04:17:58 AM »
try po sila tiamulin and vitamix basta continue lng for 5-7 days ang antibiotic

bolothegreat143

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #51 on: April 11, 2015, 09:47:24 PM »
hi doc pwedi magtanong ka si ang 58day old na baboy ko ay nagtatae tapos minsan nagsuska din at mahina kumain at nanamlay tapos yung sinusuka at dinudumi nya parang may plema pero wala naman siyang ubo doc tulongan nyo po ako ano kaya ang pinakamabisang gamot sa ganyang sakit? thank you doc

nemo

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #52 on: April 13, 2015, 03:32:39 AM »
Magbigay po sila ng vitamins sa alaga nilang baboy and antibiotic like penicillin. pag malakas na po ang alaga nila ideworm po nila ulit ang kanilang alaga.

kimv132629

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #53 on: July 07, 2015, 06:06:17 AM »
hi Doc,
ask ko lang po doc kung ano po kaya cause ng pagkamatay ng baboy ko. 50 days old pa po. ok naman po siya kahapon pero kaninang moring kay namatay na. kahapon nagtatae po siya, pero malakas naman kumain. tnx sa sagot doc.

nemo

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #54 on: July 08, 2015, 03:13:46 AM »
yun sudden death po sa animal na usually weanling  ang possible na cause is edema disease isang type po ng e coli ito.

kung medyo namaga ang mukha nito mas mataas ang chance na ito nga ang dahilan ng sakit.

usually po may bakuna na ibinibigay sa inahin para kahit paano magkaroon ng  protection ang mga piglet and hoping na kapag weanling na ito ay meron pa rin protection sila.

kimv132629

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #55 on: July 09, 2015, 02:43:20 AM »
hi Doc,

hindi naman po namaga ang mukha ng baboy doc...  Doc meron na naman po akong nanghihinang baboy, 3 days na siya naka antibiotic. pero ngayon Doc ay hindi siya kumain ng boung araw at hindi namakatayo. ano po kaya pwdeng gamot dito doc para makarecover pa siya? tnx sa sagot Doc...

nemo

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #56 on: July 10, 2015, 02:17:12 AM »
mas  maganda sana kung mabibisita ang alaga nilang isang vet para maassess ng husto ang kanilang alaga.

usually po kapag hindi po gumagana yun antibiotic after 3 days nagpapalit ako ng ibang antibiotic.

try to give din multivitamins injectable sa animal para ganahan ito kumain

leletgr

  • Newbie
  • *
  • Posts: 48
    • View Profile
Re: nagtatae na baboy
« Reply #57 on: December 18, 2015, 08:28:09 AM »
helo po doc,tanong ko lang kung anong sakit o gamot
35 heads ng fattening namin nasa edad 3 mos pataas at 2 mos.pataas
sabay sila nagtatae lahat kulay gray at cream sumabay pa mga inahin namin
pahelp naman po doc...maraming salamat
ano kaya ang cause ng sakit nito doc/

leletgr

  • Newbie
  • *
  • Posts: 48
    • View Profile
Re: nagtatae na baboy
« Reply #58 on: December 18, 2015, 08:55:29 AM »
nanamlay at di po sila kumain

nemo

  • Guest
Re: nagtatae na baboy
« Reply #59 on: December 18, 2015, 09:05:58 PM »
yun sakit po hindi ko siya matutukoy specific .pero possibility related sa panahon natin, kung minsan kasi kung sobra lamig panahon nag uubo at tae mga baboy dahil bumababa immunity nila. pwede din dahil tag ulan baka nakakainom sila ng ulan or yun tubig nila is nabubulagbog or nahahaluan ng ulan..

temporarily na pwede gawin is yun kulungan po ng animal ay harangan po nila ng trapal or sako para hindi masyado malamig sa loob at maglagay din sila dayami para pang dagdag init .

give oral antibiotic then po sa kanila kahit penicillin or oxytetracycline. water soluble vitamins din po lagay sila sa inumin para hindi madehydrate ang animal