Boss GioCajegas,
Malapit na matapos yung second building, actually halos tapos na. Bali yung electrical na lang at trapal ang kulang, at saka yung mga poultry equipment.
Minamadali na kami ng Nutriva kasi gusto nila by MAY 20 mag load na kami ng 10K birds.
Mag attend na lang kami ng seminar at actual loading ng mga birds dun sa kabilang farm na malapit sa amin.
Yung tungkol naman sa issue mo, ganun din ang sabi sa amin ng Nutriva last week, na tumigil na daw sila sa pag tanggap ng conventional house, may mga nag apply din na mga kakilala namin, yun din ang sabi nila, na reject daw sila kasi tunnel vent na ang gusto ng Nutriva.
Ito naman yung mga additional na gastos namin:
power spray = 7,000
sprayer = 3,500
dram 20 pcs. = 10,000
trapal 300 meters = 15,000
generator 5kba = 9,500
pressure tank sogo japan 42 gallon = 2,900
electric motor goulds italy = 7,500
electrical = 31,600
kubota motor = 40,500
2pcs. fire extinguisher = 5,000
Yung tungkol naman sa mga poultry equipment, bali ito daw ang kelangan namin para dun sa 10k birds:
360 pcs. tube feeders
225 pcs. galloners
360 pcs. labador
at ito naman ang na canvass namin:
tube feeder 135.00 per piece
galloner = 45.00 per piece
labador 13.00 per piece
Sa 10k birds, bali lumalabas na 70,500 ang magagastos namin sa poultry equipment (feeder, galloner at labador)