answer
area:
1. sa size ok naman yan, malamang sobra pa, and good thing po yun para malayo kayo sa kabahayan/ may alwans para malayo sa kapitbahay.
2. di ko po kabisado yun area, ang maganda sa batangas marami coop ng feeds, sa cavite nman emerging ang pagbababuyan. isipin nyo na lang kung san area kayo malapit makabili ng feeds, malapit sa palengke, mas malapit sa tirahan nyo etc.
3.check your mail nalang
4. ang usual na advise ko mag start sila sa fattener kahit isang cycle lang kung magustuhan nila saka sila magfullblast sa investment.
5 sa fattener 2-3t kada baboy, 3-5t ang isang gestating , 15-20t ang farrowing pen
6. water pump kahit isa lang po. tapos pressure tank nalang sa horsepower di ko tanda kasi kung 3/4 yun gamit namin dati. then sa pag lilinis ng baboy need nila ng power spray na seperate
pag aalaga
1. usual na vitamins 2, ade para sa inahin, then b complex for all around. then need din ng iron para naman sa piglet
2.gamot?.... bakuna marami klase at dpende sa sakit na kalat sa lugar nyo, yun mga vitamins , then mga antibiotic na hopefully hindi ka gagamit, dewormer... etc....
3. sakit too many to mention....
4.ilang beses kumain, better kung ad lib or pwede din 3 times a day ang dami ay depende sa kya nila ubusin.
5 pag lilinis everyday
6.better kung feeds lang kasi balanse na ito, pero kung meron kayo free available na raw mats then pwede din pang dagdag.
7. basta walay na nabebenta na , yun iba 30 days magwalay, so nagpapalagpas sila ng 7 daya bove kung magbenta. pag taghirap sa baboy kahit 30 days lang binibili na.
8. pagdating ng 7-8 1/2 months pwede na ito magbuntis basta nakapagheat na ito ng 2-3 times.
9. 114 days ang pagbubuntis ng inahin, pero sa ika 21 days and 42 days check mo sila kung maglalandi ulit, itmeans kasi hindi siya buntis.
gastos
1. isang biik 2000-2200 first 10 kilos succeding kilos is equivalent to liveweight price
2. inahin? sa iba kasi nasa 18t na. not sure kung meron mas mababa, pero sure na meron mas mahal pa.
3. vitamins and gamot,,,, di ko na po kabisado
4. feeds 1000-1400 per sack
5. labor... nasa usapan po nila yan, meron iba 3500 lang pero hindi pang fulltime, andun sila kapag magpapakain, paligo, breed, paanak then afterward nagbubukid din sila. yun iba 6t, yun iba depende sa minimum sa province,,, although ang pagkakaalam ko po kasi basta less than 10 employee ka hindi necessary na dapat nasa level ng minimum ng company ang pasweldo. backyard enterprise/small enterprise pa kasi ang categorykapag ganun karami lang employee.
6. less than 1000 siguro tubig kuryente per month, pasensiya na di ko sure ang provincial rate.
7. vaskula/baskula na timbangan 20-30t,
8 deepwell? no idea, ang ginagawa kasi namin na deepwell 35 na tubo ang lalim. sa province kasi nasa 2-3 na tubo lang ok na.so less than 10t siguro.
9. in short, ang possible na mura gastos per so is 80t na siguro ngayon, last 2 wks ago may nakausap ako sa estimate nya around 180t per sow na kasama lupa, bahay etc... magandang farm na iyon.
marketing
1-2. presyo ng babao at biik, dapat maging tsismoso ka kasi nagbabago yan per area. so need to network with other raiser sa area nila.
3. kasta 500-1000
paperworks
1. no idea, kung magkano price, every area iba iba din nid to go sa kanilang local government